Saturday, October 31, 2009

Scariest Movies of All Time

Kung walang magawa sa Halloween weekend, at mahilig manuod ng mga horror movies, bakit hindi subukang mag-renta (meron pa bang Video City) o bumili ng mga CD/DVD ng mga horror movies.

Cinompile ko ang listahan ng mga Top Horror movies (o yung Scariest HOrror Movies) sa ibaba.  Bakit hindi subukan...

1. The Exorcist (1973 )-  Ito na marahil ang classic horror movie.  Talagang nakakatakot at di mo makakalimutan ang image ng na-possess na si Linda Blair.  At siyempre ang kanyang ulo at leeg =).  At ang boses na yan!  Kelangang panuorin.
2.  The Shining (1970) - Galing ito sa libro ni Stephen King (na aking favorite growing up).  Hindi ito horror in a traditional sense - but more pyschological.

3. Halloween (1978) - "he is still not dead".  Juice ko die.  You have to see.

4. The Ring (1998) - Kung di nyo pa kilala kung sino si Sadako, aba e saan kayong nagtatagong kuweba.  This is Japanese horror in its finest.

5. The Texas Chainsaw Massacre (1974) - Unang eksena pa lang...

6.  The Sixth Sense (1999) - Personally, I really like this movie.  Definitely a must see.  Kung di nyo pa sya napapanood, please huwag ng makipagkuwentuhan muna about the movie. Or else, baka makakita kayo ng "dead people"

7. Psycho (1960) - The "Mother" of modern horror.  Di sobrang nakakatakot pero nakaka-shock.

8.  The Evil Dead (1982)
9.  A Nightmare on Elm Street (1984) -
10.  Ju-On (The Grudge) - Panuorin nyo yung original version ha.  Huwag yung Hollywood version dahil naging corny na.

1 comment:

Che said...

bakit walang local?
nung bata ako sobrang takot na takot ako sa shake rattle n roll..heheh... dun ba yung nasaniban si julie vega? kakatakot yun.

kakatakot din ang the others?

Happy halloween, sana po wala na ang bagyo :)