Saturday, October 10, 2009

Conversations With Ate

Late last year na ata yun.  Drinive ko si Ate papuntang LRT galing Binan.  Syempre ang haba ng byahe, so dami naming napagkuwentuhan.  Isa sa mga yun ay ang tingin namin na kakaibang pagtutulungan ng PB 2G.  Kasi ata nung time na yun marami ang nangangailangan ng tulong.

Nasabi kasi ni Ate, na sa mga PB 2G, parang ang daling magtulungan.  Di na kelangan pang manghingi, tutulung na.  At tutulong ka talaga hangga't kaya.  Siguro dahil nga sama-samang lumaki sa compound.  Araw-araw magkakasama, sabay-sabay lumaki, magkakasamang naghirap and all.

Natanong ko tuloy kay Ate, paano kaya ang 3G?  E di naman sila magkakasamang lumaki di ba?  Magtutulungan kaya sila?  Mag-papautang kaya sila sa isa't isa?  Syempre yung mga first cousins malamang, e paano kaya ang 3G second cousins?  Hmmm.

Actually hindi naman alam ang sagot hehe.  Sabi ata ni Ate, malamang si _____  daw oo, kasi nga  may pinagmanahan.  Sabi ko, bakit tingin mo ba si _______, oo?  Haha.  natawa nga si Ate, di na nya sinagot.  Sabi ko malamang si _____. ______, at _______, matulungin pero di ko rin sure kung paano sa 2nd cousins.   Si ______  daw malamang hindi talaga tumulong, hahahaha.

I guess di natin kaya sagutin ngayon yan.  Panahon lang ang makapagsasabi.

No comments: