Friday, October 9, 2009

Mukhang Mahirap

Nadaan kami ni Ayo sa squatters area sa may Laguna kahapon.  Nakita ko yung mga bata, na obviously Out-of-school youth, na namumulot ng basura.  Tinanong ko nga kay Ayo, na gaano ba kami kahirap dati.  Honestly, di ko na talaga maalala.  O baka rin talagang kinalimutan ko na, hehe.  Sabi ni Ayo eto raw:

Nung elementary kami
- wala kaming TV kasi.  Di ba nga sabi natin sa blog dati, pag walang OFW wala namang TV dati.  Nakikunuod daw kami kila Par at Tita Tetes
- nakikilaro daw kami ng Atari kila Tita Tetes, at ng computer(ano nga ba tawag dun?  Gameboy ba) kila Tito One.
- tapos, yung shoes, hanggang hindi talaga nakanganga ang suwelas, hindi papalitan. 

Nung High-School
- asa abroad ata si Daddy nito.  Kaya OK naman.  Sosyal nga school ko e  hehe
- pero since nagpapagawa naman kami ng bahay, e sobrang tipid din.
- parang GG ata ulam namin araw-araw.
- Pagbalik ni Daddy, meron naman kaming carinderia.  Naalala ni Ayo ito kasi, bumibili ang mga classmates niya galing school sa tindahan.

Nung College
- Naku dito ata kami naging pinakamahirap.  Kasi nga may sakit si Daddy di ba?
- So maski OK ang trabaho ni Mommy, e mega-tipid talaga.
- Talagang POOR kami that time.  Naalala kong magkanda-dapa-dapa ako at sumubsub sa mga PB Christmas Contests para manalo at makakuha ng maraming pera.  Gusto ko nga pala dati, lagi ako presidente, kasi siyempre mas marami pila mo pag president ka.  Logical naman hehe
- Wala ring nag-ai-aircon bus sa amin nun ano.  Sayang din kasi ang P5 na pamasahe.

Eto ang dramatic dyan.  So nung 1994, e di ba malala na sakit ni Daddy, 3rd year na ata nya nun na may sakit.  At siyempre limas na ang kaperahan namin, plus mega-baon sa utang.  (Pero syempre thanks sa PB at sa mga taga-states na tumulong).  Pinatawag ba naman kami lahat ni Daddy.  Akala ko, meron siyang ipapamana sa aming mga hacienda sa Pangasinan, o kaya naman milyones sa bangko.  Haha,  asa pa kami di ba?

Isa lang ang message niya sa amin.  Sabi niya, "Pag namatay na ako, yayaman kayo.  Dadami na ang pera nyo at hindi na maghihirap".

Syempre, halos lahat kami sabay-sabay:  "E paano naman kaya mangyayari yun ano?".  Pero siyempre, di na naman namin ipinahalata sa kanya na para bang, "Dy, nag-de-delirio ka na ba?  OK ka lang ba talaga"? Actually, tawa ata tayo ng tawa nun Che, yo.  Ano?  Like ano kaya mangyayari di ba, at saan naman kaya manggagaling ang pera namin di ba?

2 comments:

Che said...

Hahaha. Di ko makakalimutan one Christmas eve na delayed ang padala ni daddy from saudi. pinautang ako ni ma kay diche ng P200 para may pang noche buena! Gosh, nahiiya kasi sya kaya ako na lang daw. Imagine, P200!

May mga times din na ginawa na namin ni ma ang lahat na pwedeng luto sa GG: prito, adobo, sarsyado, lumpia, torta.... hahaha, para lang mukhang may variety-- eh GG pa rin!

Ma said...

Ha ha! Laitin ba ang nakaraan!!!

D bale na at least tumalino naman kayo dahil sa protina at mineral ng GG!