1) Bakit walang lasa ang kape? Baka asa ilalim ang asukal. Halloween mo kasi. mwa ha hahah
2) Our Father Who art in Heaven Halloween thy name. nye hehe.
Ano nga ba ang Halloween, at saan ba nanggaling ang pangalan na ito?
Ang Halloween ay ang annual na pagdiriwang na ginaganap tuwing Oct 31. Ito ay sinasabing nanggaling sa isang Celtic (sa gawi ng Ireland) festival ng Christian holiday ng All Saints. Nung una ang celebration na ito ay sinasabing 'celebration ng simula ng dilim'. Well, kasi usually pag Nov 1 simula na ng Winter. So literal translation ito at walang halong kamultuhan.
Pero malaunan ito ay naging festival of the dead. Ganito pala yun. Naniniwala ang mga Celts (iyon ngang Celtics) na halos walang paggitan ang mundo ng mga patay at mundo ng mga buhay. So iniimbitahan nila ang mga spirito ng patay nilang kamag-anak sa bahay nila pag October 31. Kaso, pati ang mga masasamang spirito ay sumasama sa mga spirito ng mga kakilala nila. Kaya nagsimula na rin ang pagsusuot ng maskarang nakakatakot ng mga tao, sa paniniwalang matatakot nila ang mga masasamang ispirito (actually ang labo di ba? kasi matatakot ba ang mga ispirito sa maskara hahaha).
Ang salitang Halloween ay nanggaling sa phrase na "All Hallow's Evening", na napaikli na ng napaikli. Sa buong mundo, iba-iba ang level ng celebration. Syempre merong mga religious at tinitignan ang halloween bilang spiritual holiday. Mero ang mas nakakarami ay nag-ce-celebrate ng halloween sa commercial na paraan.
No comments:
Post a Comment