ENTRANCE
I thought the pica-pica was really thoughtful. Kasi nga ang aga ng church ceremony, at maraming malayo ang pinaggalingan. So the morning 'cocktails' was very welcome. OK din ang mga canapes (iyong small sandwiches).
Natatawa lang ako sa mga naghahanap ng sinangag, bagay daw iulam sa tuna sandwich.
PROGRAM
Tingin ko medyo mahaba lang ng konti ang program. Sana nabawasan ng konting-konti lang. Pero apart from that, enjoy naman. Nakakainis minsan sa mga reception programs yung sobrang exag at sobrang arte. Pero ang reception nila sakto lang. Merong drama, merong comedy, merong children's party, at merong musicale.
Medyo disappointing ang prayer siyempre. Start ng program, tapos parang ang gulo ng prayer. Pero baka kinakabahan din siya.
HOSTS
OK din naman ang mga hosts. Lalo na nung nag-Money Dance. Ang hirap i-host nun e, so carry naman, without being imposing sa mga magbibigay.
FOOD
Very vocal si Par sa pag-express ng konting disappointment with the food. Hindi naman kasi mura ang binayad dun nila Evot and Cha e. Actually pag tinignan mo ang food, lalo na yung sa Buffet Table, di ba parang sobrang sarap! Lalo na ang mga desserts, sosyal pati ang mga arrangement. Tinikman ko iyong parang Pavlova (meringue with grapes) - ayos naman.
Di ko sure kung parehas lang kami ng kinain ng mga common people ha, hehehe, kasi nga VIP kami e. We had a creamy soup and salad for starters. Tapos for entree meron kaming braised porkloin, chicken roulade, seared fish, pasta and beef. Maraming may favorite dun sa beef. For dessert, sinervan kami ng chocolate crepe at saka fresh fruits. OK din naman.
Naka-apat din akong Cheese Sticks - 3 sa table naman at isa sa kabilang table. hehe
SPEECHES
Na-mention na rin ang mga touching speeches ng Dad ni Charisse at ni Tito Jim. Medyo ang dami lang ata ng sponsors na nagsalita, pero may katuturan din naman ang mga sinabi nila so OK na rin. Ang gusto ko lang sanang nagsalita ay si JE o kaya si Joshua, parang interesting na marinig ang masasabi nila kay Evot, hehe.
VIDEO
Mahirap talaga kasi magpalabas ng videos with venue. Iyong unang video malinaw, at saka talagang interesting ang mga pics dun sa montage. Ironically, kung alin pa ang gawa nung professional videographers iyon pa ang medyo sumabit. Sabagay ala-una na rin siguro nun, so tirik na ang araw.
MUSIC
OK ang mga wedding singers! One-time nga iniisip namin nila Rap-Rap na plaka e.
GAME
OK din ang garter and bouquet game. Enjoy ang mga kabataan, at parang ang saya-saya nila. So, nice.
Overall, ang reception sakto lang. Ang daming memorable highlights, including iyong dance nga ni Cha at ni Evot. Merong seryoso merong light. Merong pang-matanda at meron ding pang-bata. So definitely a reception to remember.
No comments:
Post a Comment