Saturday, October 17, 2009

7 Days to Go

Evot-Charisse Wedding na.  Meron ba kayong announcement?  Kung wala pasagot na lang ng questions below:

- According to the PB poll, merong magsusuot ng Red.  Malapit naman ang Red sa pink, may issue ba kayo rito?

- Marami din ang magsusuot ng Black.  May problema ba rito?  Di ko lang sure kung black shoes o black pants ang sinasabi nila.  Sabagay alangan namang white pants di ba, e hindi naman tayo si Kanye West.

- Ang mga abay ba matutulog sa hotel, o mala-late na lang sila?  Ang aga naman kasi ng kasal na ito. 

- 8:15 ba talaga ang kasal?  Gising na ba ang nagtitinda ng pandesal nun?

- May nagtanong sa akin kung ano raw ba ang most common gift sa mga Pilipinong ikinakasal.  Sabi ko punch bowl, dahil yun naman talaga.  Sana yung pang-4 lang, kasi exag naman ang pang-6 na punch bowl.

2 comments:

Che said...

punch bowl ba? akala ko wall clock :p

Evot and Cha said...

Answers:

1. Ang red daw po pag sinuot sa wedding ibig sabihin tumututol. Sino po ba magsusuot ng red?

2. Black dress hindi po pwede but, sa suit ok lang po required yun sa sponsors and black slacks sa male.

3. Ang mga bridesmaid po matutulog lahat sa hotel. Ang flower girls naman yung iba pupunta na lang maaga sa hotel. Ang mga groomsmen yung iba matutulog po sa bahay ng bride with the groom. Bawal po ma-late sa mga Principal sponsors kasi maglalakad po sila ng una. Minsan lang naman po kayo gigising ng maaga kaya sana po gawin niyo po para sa amin.

4. Yes 8:15 po ang start ng Church ceremony. Yun po talaga ang time at hindi po 8:30 or 9:00. Strict po sa church kaya please be there on time.

5. About the gift,magsettle down kami abroad kaya po yung punch bowl hindi namin madadala yun. Si Tito Ido na lang po gagamit ng punch bowl.hehehe...