Tuesday, October 27, 2009

BEST DRESSED

Siyempre hindi papatalo ang PB Girls sa kasuotan pag formal ang occassion.  Maski na nga yung mga inokray na natin, bongga pa rin.  Marami talaga ang umeffort sa pananamit, pagmake-up at pag-aayos ng buhok.  Pero parangalan natin ang mga nag-standout.

Actually dapat may special award din tayo para sa Energy-Serving gowns.  Iyon bang mga environmental gowns - meaning mga recycled.  Pero huwag na nating sabihin at baka mabugbog na talaga ako.  Itago na lang natin sila sa pangalang:  D and K.  hahaha.

BEST DRESSED HONORABLE MENTION

Juice ko Die!  For the first time in the history of PB, masasama si Tita Yet sa honorable mention.  47 years niyang hinintay ang moment na ito, buti naman at nangyari din.  Andito siya sa listahan kasi nga Ninang sya, yung damit nya ay ang pang-sosing Ninang. 

Kelangan lang nyang mag-aral ng posing at facial projection, balang araw puwede na siyang best dressed.




Lola Maam is also on the list because of her unconvential gown.  Parang pang-Project Runway.  Simple, elegenta at bongga.




Julienne also makes it to the list for the first time.  Kasi nga wedding naman ito, so OK lang naka-gown.  Bagay sa kanya ang damit dahil mas gumanda pa siya. Pero Julienne, huwag mong isuot yan sa mga ordinary occassions ha. 





Parang markana ni Tiyong, ang damit ni Tita Edith ay double-purpose din.  Tignan nyo, parang dalawang magkaibang damit - isang pang-Church at isang pang-Reception.   Complex ang design nyan pag tinignan nyong mabuti - kung baga sa rice terraces masinsin ang pagkakatahi ng mga tiniklop-tiklop na tela.

Actually dapat ookrayin natin ito.  Kasi nung makita mo siya live, mukhang green talaga.  Aba pag na-picturean nagiging Blue-Green.  So Triple purpose talaga, daig si Tiyong.

Kung di lang sa ating winner, puwede talagang si Tita Edith ang ating Best Dressed.









BEST DRESSED

Hay, buti na lang at nakabili si Charisse ng gown last minute (last Tuesday lang).  Kasi medyo pumalpak daw ang gown na pinatahi niya 8 months ago ata yun.  Kasi parang nakakahiya naman na ikaw ang bride tapos di ka best dressed.  hahaha.

Bagay na bagay kay Cha ang gown.  Nagmukha siyang mataba ng konti.  Astig din ang design, at tama lang ang drama ng trail at design.  Sulit na sulit ang 40,000 mo.  Haha, binisto ba.













5 comments:

gown said...

porty tausan talaga gawn ni ate charisse?

nice said...

nice din gown ni camae

agree said...

Agree! nice din nga gown ni camae...tito ido humanda ka sa debut niya!

Cha said...

Thanks Ninong Ido ako po pala ang best dressed. Buti nga po at nakabili me agad ng gown last minute kahit na nga mahal. Kasi naman po nakakahiya nga kung ako ang bride and then ako pa ang pinaka-pangit na dress.hehehe...

Evot and Cha said...

Agree po kami na maganda ang gown ni Ninang Yet, Ninang Edith and Julienne. Si Ninang Yet talaga pong mukhang pinaghandaan. Si Ninang Edith naman po I think ang color talaga ng dress nya ay turquoise. Pinaghalong green nga and blue. Simple lang din po but elegant. Kay Julienne bagay na bagay din po sa kanya. Congratz to all the runner up.