Friday, October 9, 2009

Mga Puwedeng I-Dahilan Kung Bakit Hindi Makakapunta Sa Wedding

Dapat special ang dahilan mo kung hindi ka makakapunta sa wedding.  Alangan naman kasing yung usual reasons mo sa office ang ibibigay mo, e di ang corny naman nun ano.  Example, alangan namang sabihin mong TRAFFIC.  E kung traffic, dapat na-miss mo ang simbahan, pero dapat puwede ka pa rin sa reception.

Walang kwenta ang RSVP na yan.  Maski mag-RSVP ka, kung ayaw mong pumunta o di ka pupunta, e puwede pa rin naman.  Puwede ka rin namang hindi mag-RSVP pero pumunta ka. 

Unless totoo, huwag ng gamitin ang out-of-town, or out-of the country meeting.  Kasi naman, baka magkita kayo sa Festival o Trinoma kinahapunan ano.


Eto ang mga puwedeng gamitin:

1) May symptoms ka ng swine flu
Alangan namang pumutna ka pa sa sosyalan di ba?  Kung lagnat lang kasi at sipon at ubo, ano yon?  Dapat pumunta ka.  Pag H1N1 na, e dapat huwag ka na pumunta.

2)  Nagtatago ka from _____
Eto marami kang pagpipilian.  Puwedeng sa mga Pulis dahil suspect ka sa isang krimen, na syempre sabihin mong hindi mo naman ginawa.  Puwede rin naman sa mga DrugLords, dahil napagkamalan kang pusher.  Puwede rin naman sa Citibank, dahil di ka pa nakakabayad. 

3) Lahat ng inattendan mong wedding, naghiwalay ang mag-asawa within 1 year
Depende kung gaano ka ka-close, puwede mong baguhin ito to 2 years, 6 months, puwede ring 3 months.

4)  Meron kang Leukophobia
Sorry, I have Leukophobia, ito ay ang persistent and abnormal and unwarranted fear of white.  Kung gusto mo akong umattend, puwede bang hindi naka-puti ang bride?

5)  World Peace
Sabihin mo na maraming nangangailangan ng tulong mo.  Pag babae, sabay lulon ng bato, pag lalaki ka takbo ka sa phone booth.

3 comments:

Che said...

Para humanitarian ang dating, pwede mo ding sabihin na hindi ka agree sa luxurious celebration in times of crisis, o kaya ay kelangan na kelangan ang tulong mo sa mga relief centers...

Speaking of relief... sana hindi masyado affected ang bahay nila Siony sa pangasinan. hay grabe daw nangyari dun?

busy-busyhan said...

masyadong rush ang work!!!baka hindi umabot sa duedate.busy talaga baka pwede sa 25th wedding anniversary na lang!!!

akala mo said...

a, e, umaga ba yung wedding? akala ko hapon.