Nag-grocery kami sa WALTERMART Sta. Rosa. Tinanong ko sa counter kung magkano ang Winston Lights isang kaha - 24 Pesos daw. Nakita ko rin ang presyo sa sign. So bumili na nga ako. Tapos pagdating sa cashier, ang presyo pala niya sa system ay P27.50.
Ayoko kasing maistorbo ang mga nasa likod ng pila, dahil mahaba na rin. So umangal ako pero pagkatapos na lang. Pumunta ako sa Customer's Welfare Desk para magtanong. Pinatawag ang tao sa counter at cinonfirm nga na 24 pesos. Pero sabi na lang nila na hindi lang daw nasabihan ang tao sa counter na nagtaas na raw ng presyo.
HMMMMM. Tingin ko, isa itong ploy ng mga grocery dahil sa price freeze na i-ni-impose ng DTI. Syempre, di naman basic item ang yosi. Pero still. Nakakalungkot lang ang mga ibang tao na naloloko. Akala nila ang presyo ay yung naka-paskil sa mga aisles, pero iba pala pag dating sa Cashier.
So, mag-ingat at maging mapanuri. Ako, di ko babalik sa WALTERMART Sta Rosa.
No comments:
Post a Comment