1) Sa buong buhay ko ngayon lang ako nakakita ng gayang kalakas ng bagyo. Kalampagan ang mga yero sa bubong, at naririnig mo talagang tinutumba ng malalakas ng hanging ang mga puno. Mahirap matulog dahil ang hangin parang sumisipol na pagkalakas-lakas. Malakas din ang ulan. Di nakapagtatakang maraming tuloy ang bumigay at maraming mga bahay na maliliit ang tinumba.
Tingin ko mas malakas ito kesa kay Milenyo. Kaso nga (at mabuti na lang), sobrang bilis ng bagyo. Six to Eight hours tapos na. Pero ayan, walang kuryente sa buong SOuthern Luzon at pati sa ibang lugar sa metro manila (asa Starbucks kami hehe. Even ang KFC at Jollibee sarado).
Naisip ko na napaka-temporary lang ng existence. Parang ang mga tao sa mundo ay talagang nakikitira lang. Baka dapat talagang i-enjoy na ang buhay =). Baka kung meron kang gustong bilhin na gamit na medyo mahal na gustung-gusto mo talaga. E bilhin mo na. Tulad ng Ferragamo bag, shoes at wallet o kaya ang LV bag. Hehe. speaking of...
2) Mas marami pang bumati kay Karen kesa sa ibang may Bday. Hahaha. Sabagay ang birthday taun-taon nangyayari, ang graduation ni Karen muntik pang hindi mangyari mwa hahaha.
Maski gaano kaarte si Karen, e mabait naman talaga siya. Mahirap mainis sa kanya.
Natawa talaga ako sa motorcade na ipapagawa ni Tita Edith para sa graduation ni Karen. Ayos yun! Malamang magpa-celebrate si TIta Edith, abangan na lang natin ang announcement sa celebration. Speaking of...
3) Ayaw ni Par sa Fernwood. Kasi nga di ba dahil sa food. So malamang hindi dun gagawin ang kanyang Golden Bday. Saka para ngang hindi bagay ang Bday dun ng lalaki. Unless, parang Wish Ko Lang ang gagawin niyang Theme.
Wala pala ako sa bansa ng first week of December. Pero 2nd wk naman ang bday ni Par. So carry yan. May costume-costume kaya? May programme-programman kaya? (Sayang di na rin ako puwedeng mag-host, pero puwede naman si RapRap).
No comments:
Post a Comment