Sunday, October 11, 2009

Happy Birthday Tita Ate

Si Tita Ate ay ang panganay ng 2G.  Pero hindi siya authoritarian, in fact medyo mellow pa nga sya.  Madalas asa background and doing the work.

Pag may handaan ang PB, madalas nakasalang si Tita Ate sa kusina.  Always cooking, minsan 3 or 4 dishes pa nga, amazing.  Lagi ko ngang napapansin na madalas siya ang huling kumakain.  So kung sino pa ang nagluto, siya pa huling makakakain.  Pagkaluto, siya pa maghahain at mag-aayos ng lamesa.  (Ngayong naisip ko ito, parang ang tamad tamad pala natin pag may handaan ano).  Pagkahain, magpapakain muna siya ng mga bata at kukunan ng pagkain si Ditse. 

Isa pang katangian ni Tita Ate - siya ay maaasahan.  Ang dali nyang hingan ng tulong.  Sabagay, layas naman talaga kasi siya, so parang ang dali lang para sa kanya na umalis ng bahay  haha.  Maaasahan siya sa pagtulong sa pag-dekorasyon, paggawa ng Christmas Tree, pagsama sa mga bata at marami pang iba.

Happy Birthday Tita Ate, may you have many more birthdays!

12 comments:

jim said...

happy happy b-day ate

ayo said...

happy bday Ate! isa sa pinaka-pasensyosa sa PB. kya favorite din sya ng mga kids.

jaye and shiela said...

Happy b-day ninang!!!

Pia said...

Happy birthday Tita!

edet said...

Happy birthday Ate. Ano plano mo today?
Thank you sa pagti-tyaga mo sa pag-aalaga kila Kacey at Kat pag nandito ka at pag nasa layasan.
Wish ko pa, good health, long life at wag magbabago sa aming lahat ng PB.
Happy birthday!!!

jorge said...

Aba, biro mo yon, kabe-birthday mo palang sa Leslie last year birthday mo na naman! Pero ok lang, kung 100 years lifespan natin, nasa kalagatnian pa lang tayo ng buhay, madami pang birthdays na masasaksihan, madami pang happenings sa PB na masasalihan.

Kanya birthday wish ko sayo –
1.good health syempre,
2.continue helping others tutal ang title mo naman ay “Ate” which you really deserve,
3.always keep your cool, it’s an asset, a virtue.

Merong instances na sa middle ka ng storm ng PB, figuratively and most of the time, if not all the time, you handled those situations very well. Because this is your birthday, below are some lines from Desiderata, i'm sure you already knew, that exemplify your personality:

"Go placidly amid the noise and the haste, and remember what peace there may be in silence. As far as possible without surrender be on good terms with all persons. Speak your truth quietly and clearly; and listen to others, even to the dull and the ignorant, they too have their story."

Happy Birthday Ate!

Ingat!

Evot&Cha said...

Happy Birthday po Tita Ate!!! God Bless you always!

camae said...

Happy Birthday sa NINANG ng lht :)

eyan said...

happy birthday ate..:-)

PB Canada said...

tita ate xenxa npo l8 n ata ...pero happy happy birthday.....

che said...

Happy happy bday Ate! Sana enjoy ang bday mo! :)

Helen said...

Hi Tita Rose , kahit huli man daw pwede pa ring bumati, kesa hindi.

Happy birthday sa yo.

Mula nung nabilang ako sa PB, wala yatang taon na hindi ka na-nominate sa pag-kaofficer for PB Christmas party. At lagi ka ding officer , kung hindi presidente, ibang positions din. Nung 3rd gen, hindi ka man officer, pero for sure, adviser ka naman, basta may participation ka lagi. This shows lang na ang perception sa yo ng lahat - very dependable and responsible ka.. na totoo naman.:)

Wish ko sa yo, good health , and dahil wala kang anak , mahalin ka at maalala ng mga 3G ang pagmamahal mo sa kanila always.:)