First time ko lang makasama sa table si Tito Jim. Eto lang masasabi: kapag malungkot ka at iyong tipong pakiramdam mo walang nakaka-appreciate sa iyo - sumama lang kayo kay Tito Jim, gagagaan talaga loob nyo.
Sya kasi, very supportive sa lahat. Malakas tumawa pag may nag-jo-joke. Papalakpak sa bawat nagsasalita. Humihiyaw naman, pag sobrang naligayahan. Perfect audience kung baga. Nakaka-appreciate ng nag-pe-perform at nagsasalita.
Marami rin siyang ideas para mapaganda ang program. Ex ng naisip niya "Gawin kaya nating parang Ms. Universe ang rampa ng mga girls, at merong Question and Answer portion". Magandang idea di ba?
Pero oo nga pala, pag Buffet ang pagkain, OK kasama si Tito Jim sa table. Pag Lauriat (iyong hati-hati kayong 10 sa pagkain), yun ang di ko pa nasusubukan. =)
2 comments:
nice tito ido , alam mo ang napuna ko sa debut kagabi , sina alex at popoy , baket wala sila 'a short message' man lang sa nag debut na sister nila , pero ok naman at busy naman sila sa pag entertain ng bisita , like si popoy sya yata ang nag ayos ng video presentation , at si alex as a receptionist ,over all very nice ang party ,
thanks tita tetes ,
another happening na hindi makakalimutan ng pb family
napansin mo rin pala tito jim. sinabi ko nga kay Ma kagabi e. actually si Tita Tetes din naman medyo low profile maski mother of the debutante. Mukha talagang si MM ang pinaka-showbiz sa kanila, ano?
Baka ganun lang talaga, merong mga tao na ayaw ng limelight.
Post a Comment