Thursday, February 19, 2009

Ingat!

Sinasabi ng PAGASA na patuloy na ang pag-init ng panahon sa darating na mga linggo. Di nyo ba napapansin na maraming ka-opisina, klasmeyts at mga kakilala ang merong sakit?

Katunayan, tinatayang halos 40,000 katao ang tatamaan ng sakit na Dengue pag dating ng tag-ulan. Pero, akala ng nakararami ay lumalaganap ang sakit na Dengue kapag tag-ulan lamang. Mali. Alam nyo bang mahigit sa 200 Pinoy ang namatay sa sakit na Dengue nung 2008? Maalala nyo ring 2 Pamilya Banal ang nagka-dengue last year.

Ang sakit na cholera ay sinasabing napuksa na sa Pilipinas nung 1990. Kaya nakakagulat na lagpas 1,000 katao ang tinamaan ng cholera outbreak nung 2008. Sa mga ito, lagpas 20 katao ang namatay.

Huwag maliitin ang impact ng pagpapalit ng panahon sa kalusugan. Ang sudden change of climate ay posibleng magkaroon ng masamang dulot sa hangin at sa tubig.

Kaya PB, pinaalalahanang muli tayo sa video sa ibaba ni Kuya J.L...