Bakit parang di kayo masyado excited sa Wedding? Hahaha. Sa Sabado, i-tsi-tsismis ko sa inyo kung sino ang mga na-imbyerna hahaha. Kinakabahan ata ang mga tao sa bagyong parating.
Ako may damit na. I have a brand new shirt, brand new tie, brand new belt, and brand new shoes. Asteeeg! Ang suit ko di masyado brand new hehe. I have an ash-colored suit. I wear black/dark suit on evening affairs. Eto umaga na nga garden setting pa. At saka di bagay ang black sa aking pink shirt and pink and blue tie, hahaha.
Malamang mag-hotel kami Friday night. Kasi nga napakalayo naman ng venue sa bahay namin. At since sobrang aga ng kasal, wala talaga kaming pag-asang umabot on time, considering the SLEX traffic. Unless gusto naming maabutan ang bigayan ng give-away, best option para sa amin e mag-stay in Metro Manila. Buti na lang may available na rooms sa Shang-rila bukas! (pero di kami mag-stay dun).
Interestingly, ang no.1 sa poll natin (in terms of wedding excitement) ay: Church Procession, Itsura ng mga guests at Makita ang kamag-anak! Ayos! gumastos pa sa damit at gumising ng maaga, e gusto nyo lang palang makita ang mga kamag-anak. E sana nagkita-kita na lang tayo isang weekend at nagkainan di ba.
I agree, exciting talaga ang Church Procession. Ako inaabangan ko talaga kung sino ang hindi maglalakad. hahaha. Puwede ring kung sino ang matatalisod. Amazing talaga ang church procession sa weddings, kasi nga todo effort ang lahat para gumanda at pumogi. So abangan natin ang mga taga-Gapan na malamang ay nagpakulot na at nagpa-tina. Ang mga taga-Pulilan na kung hindi nag-ahit ay nag-tina ng bigote. At ang mga taga-Santan na siguradong over-dressed. Pero sabagay, OK lang na exag ang damit. At least ngayon di na ko puwedeng humirit ng "Ano yang suot mo? saan ka pupunta? sa Kasal?!". E sa kasal naman pupunta. Excited na ang PB Blog para parangalan ang mga best japorms at syempre ang okrayan.
Iiyak kaya si Tito Jim? O matutuwa?
Iiyak kaya si Tita Vangie?
Masaya kaya si Joshua, dahil sya na talaga ang magiging tagapagmana ng ErikaJoy Empire?
Magiging kamukha kaya ni Tiyong si Erap o si Paquito Diaz?
Alam na nating bongga ang damit ni Tiyang, pero bonggang blue? bonggang white? o kulay bonggang-villa?
May paki kaya si JE?
Ano kayang kulay ng damit ni Shiela?
Pustahan tayo maglalakad si Ashlie. Si Andrei, di ko sure hahaha.
8 comments:
see you on our wedding day!!!
d pala masyadong bagay ang blue and pink combination buti p yata pink and green d ba camae? pwede ding blue and yellow d ba tito ido?
openyon lang po!
haha. pink and blue, honestly di ko sure. first time ko lang mag-pink sa buong buhay ko. pero sabi nung nagtitinda, after white and blue, pink is the best seller sa men's shirt.
pink and green, sounds cool. parang ms.piggy and kermit the frog.
blue and yellow is also cool, parang Jose Rizal University
pag ba fuschia, fink din?
pag ba violet pwede sa blu?
fuschia, violet. mas makulay!
ganun yata damit ko e... nagtatanong lang po.
fuschia is dark pink. so puwedeng pink.
violet is dark blue in the prism of colors so, yes blue nga siya.
so fuschia violet puwedeng puwede yan. talagang magiging kapansin-pansin ka nyan
Showing naba ng cards parang poker, kung baga ay nailabas na ang river, lay ko na ang magiging attire ko:
1st Card (Panakot card) : Coat – brand new Onesimus (sale nga lang, sobrang mura), ash colored din kagaya ni tito ido
2nd Card: Pants – brand new tailored made, garment from Kamuning market at Php 300/yd, the cheapest in the market, bagay na bagay naman sa coat, inferness.
3rd Card (Butaw): Longest slib and tie – blue color, luma na, suot ko pa noong nasa corporate pa ko ilang taon na nakalipas (baka gumanda pa pagnaplantsa)
4th Card (Kicker) : Watch – Versace original, gift lang sa akin kaya nagkaroon ako nito, sinusuot ko lang tuwing may special occasion
5th Card (butaw na butaw): Underwear – ash colored din, bacon na ang garter sa kalumaan, will make sure bagong laba naman.
Suma tutal, parang Pair Jack lang pero baka manalo pa yung cards kahit pangit, magpo-poker face na lang ako.
Kayo, ano attire nyo? lay nyo na rin cards nyo.
ayaw ko nga maglakad baka pabasahin sa akin yong dala dala kong BIBLE
mwahaha. all-in na, sabi nga ni Tito Jorge!
Pero ok lang na di nyo i-lay ang underwear cards ninyo
Post a Comment