Sunday, October 11, 2009

More on Tita Ate

One thing I forgot to mention about Tita Ate - are her dishes.  I remember growing up, di pa ko exposed sa kung anu-anong food.  LAgi siyang merong surprise dish na kakaiba.  At naalala ko, na pag wala akong makaing iba (talaga namang pihikan ako sa food di ba?), iniisip ko na lang na meron namang lulutuin si Tita Ate, so siguradong di ako magugutom.

1)  Beef Salpicao - HS ako nun e so that was 1986 siguro.  Saan ba naman ako makakakain nun di ba?  Sobrang bago para sa akin (at sa iba rin malamang).  Sobrang sarap!

2)  Molo Soup/Almondingas - Mga 1998 o late 90's naman ito.  Iyong una nyang try, nahuhubo pa ang laman.  Pero yung 2nd time - perfect. Alam ko sobrang hirap gawin ito, at ang sarap.

3) Lumpiang Hubad - Mga 80's pa niya ginagawa ito, at isa talaga sa mga favorite ko.  Kasi nga minsan yung balat nagiging soggy di ba (arte ko talaga sa food no?!).  So perfect

4)  Boullabaise Soup - mid-90's naman ito.  Sobrang hirap gawin at sobrang challenging.  Pero ang sarap-sarap talaga, kasi nga lahat ng sahog masasarap - lahat ng seafoods na maisip mo.  Tapos bago nya lagyan ng gatas, pagtatabi nya muna ako, kasi yoko ng gatas e.

5)  Higado - eto ang favorite ni Mommy.  Parang menudo na walang tomato sauce.  Pang-sosyal talaga.  Masarap.

Syempre, nung malaunan e pinapagaya na namin kay Ate ang mga nakakain namin sa labas.  So syempre di na ko ganun kamangha.  Pero malamang iyong iba ang namamangha sa:  Gising-Gising (sigarilyas na may gata na maanghang ng konti), Paru-parong tilapia (yum yum).

To Ate, maraming salamat sa masasarap at malinamnam na mga ala-ala.  Very delicious food pero ang mas importante, bago sa paningin at panlasa.  Naiiba ka talaga.

Kayo, ano ang favorite dish nyo ni Tita Ate?

2 comments:

Che said...

Hmm ang fave ko na luto nya ay hindi nya hinahanda sa bday, pang weekend dish, pero lasang panghandaan:

Ang super sarap na paksiw na pata na may bulaklak ng saging-- tamang tama ang nagaagaw na asim tamis, at ang lambot at lagkit ng pata...

at saka ang the best na fish tausi with tofu! tamang tama ang timpla, hindi overdone ang fish.

Madalas kasi ako makikain kila Ate nun pag weekends... hehe. Thank you Ate! Keep up the good luto! Happy bday and wish you happiness!

ayo said...

ako molo soup at higado, kaso bawal na ngayun sakin eh. chopsuey na me squidballs, pwede!