Friday, August 13, 2010

Isang araw ng Trabaho

Friday the 13th of August ay naging masuwerte para sa akin.

5:15am - Nagising ako ng maaga, importanteng araw.  magbebenta ako ng trabaho.  Kelangan kong makuha ang mga estimates na pinagawa namin sa US.  Kaya 5:30 pa lang may meeting na ako.

6:00am - Tinatapos ko ang presentation at ni-re-review and video at iba pang materials

7:00am - Asa opisina na ko, pinaliwanag sa mga kasama kong managers ang mga pagbabago sa presentation.  At pinaaalala ko sa kanilang wag silang kakabahan.

7:45am - Aberya, wala pa ang van na susundo sa amin.  So kinailangan naming mag-taxi papunta sa opisina ng kliyente.

10:00am - Tapos na ang presentation at successful naman.  Isa ito ang pinakapaborito sa trabaho ko - ang mag-present.  Pero di pa tapos ang meeting, dahil susunod na ang NEGOTIATIONS.  In Tagalog, ang tawaran portion.  Eto naman ang pangalawang paborito kong gawin.  =).

11:00am - Di pa tapos ang negosasyon.  Ang problema, di ko naman puwede babaan ng husto ang presyo.  So kelangang ng matinding knock-out punch.

11:45am - Naisip ko finally kung ano ang dapat sabihin.  Yes!  FInally Natapos na rin at buti na lang di na umabot pa ng hapon.  Ang mahirap sa negosasyon pag tumagal, lalong humihirap.  Nagkakaroon na kasi ng iba't-ibang factors ang kausap.  So ideally, dapat masara ang negosasyon bago kumain =).

Sa madaling salita, ayos na ang butu-buto at pumirma na nga ang kliyente.  12 Million $ ang halaga ng kontrata.  Very nice na matapos ito ng August - kasi ito po ang huling buwan ng aming taon sa kumpanya.

Sulit lahat ng pagod sa nakaraang 3 linggo.  Pero eto na po ang malaking problema - kailangan na naming gawin ang trabaho para mapatunyan na sulit ang 12M na bayad hehe.

3 comments:

Evot said...

Wow!!!galing galing!!! Hindi nga tutuo yung friday the 13th sayo tito ido... Dapat icelebrate yan at manlibre dapat...hehehe

che said...

Wow...nice..Congrats!!! Eh US$12 M lang naman pala ang kontrata..gosh!

Charisse said...

Congrats Ninong Ido! Ikaw pla ang pambato ng accenture Philippines. Prng sarap nmn umattend ng mga business and sales presentation niyo po.