Friday, August 20, 2010

Mabait na Kapatid

For example, kung tatanungin ako ni Tita Edith o Tito Jim kung sila ba ay mabait na kapatid?  Ang sasagot ko siguro ay "puwede", "siguro" o "malamang".  May karapatan ba akong sagutin ang tanong na ganyan?  Parang wala ata.

Sa pelikula kasi, tatanungin ba naman ng Nanay ang kaibigan nya habang umiiyak, "Frend, mabuti ba akong Ina?". Tama ba yon?  Bakit kaya di iyong anak niya ang tanungin, sila lang ang puwedeng magsabi.


Di ba ang mga anak lang ni Tita Edith o Tito Jim ang puwedeng mag-comment sa tanong na yan?  Parang ganito rin ata, wala akong karapatang magsabi kung "mabait na magulang" ba si Lolipot, Lola Nanay, Lola Tiyang o Ditse. 

At kayong lahat.  Yes kayong lahat, wala kayong karapatan na mag-comment kung ako ba ay mabuting magulang.  Mwa hahahaha.

Ang puwede kong sagutin ay ang tanong na ito:  Mabait ba na kapatid si Ayo?  Mabait ba na kapatid si Che-Che?   Ako lang ang may karapatan at credibilidad sumagot ng ganyang tanong.

At may karapatan din akong hindi sumagot.  hihihi.

May kuwenta ba ang post na ito?

1 comment:

mabuting tao ba ako? said...

---------------
Una, may karapatan ka bang manghusga kung mabuti o hindi ang isang tao? Sabi nga sa Bible, kung sino ang walang kasalanan, siya ang unang bumato.

Pangalawa, subjective ang pananaw kung mabuting tao, mabuting magulang, o mabuting kapatid ang isang tao. SINO ang nagbibigay ng opinyon? PAANO at GAANO ang pagkakakilala nya sa taong tinutukoy?

Maaaring kung matagal nya nang kilala ang tao na iyon at alam nya ang mga kabutihan, para sa kanya mabuting tao ito. Pwede ring hindi pa lubos ang pagkakakilala, nagkaroon ng pagkakamali, at ang opinyon , hindi na ito mabuting tao.

Kung kinakailangang manghusga, may malalim at sapat na basehan.
------------

Wala lang, naisip ko lang...mas mabuti siguro kung tanungin na lang natin ang sarili natin, "mabuting tao ba ako?"