Sunday, July 31, 2011

In Common

First time ko ata makipag-text marathon kay Tito Jim in the history of cellphones.  Usually kasi, mag-text kami 2x, that's it.  Pero kagabi may interesting topic kasi kami e, so mga 3 hours kami nag-textan.  Anong topic?  Sabihin na lang nating iyong common sa aming dalawa - intriga!  hahaha

Bukod sa Rock Music (Lennon, Wings, Queen), common sa amin ni Tito Jim ang sobrang pagmamahal sa PB =).  At hilig sa intriga hahaha.  Sabi ko nga kay Ate Edith, mas tsismoso sa akin si Tito Jim ano, di hamak.  Ang kaibahan lang, sobrang bait ni Tito Jim, kaya ako ang nalalaglag.

3 weeks ago, nag-dinner kami ni Karen at Christian.  Dun ko na-realize na ang dami namang in common ni Karen.  Mga branded na bagay, hilig mag-travel, kasosyalan (yung natural ha hindi social climber hahaha).

Outing naman last year, naka-dinner table ko si Ia at Gab.  Syempre ang dami naming napag-usapan at napagkuwentuhan, naka-relate kasi kami sa isa't-isa tungkol sa maraming bagay:  duodecahedron, osmosis, l'Hospitals theorem, at R raised to the n.  Sobrang exciting ng usapan namin, next time join kayo.

Gusto ko rin nakikipag-usap kay Rap, Carl at Andrei, dahil sa mga latest games at latest strategy.  Kasama kasi sa trabaho ang mag-isip at mag-design ng mga games.  Iyon bang mga nakaka-adik hehe.

Si Camae naman ang bumubuhay ng aking pangarap na kumain sa lahat ng restaurants sa Pilipinas.  Kasi ngayon na marami na kong pera pangkain sa labas, wala naman akong time.  So lagi akong nagpapakuwento kay Camae at Ralph Chucky kung saan ang bago at saan ang OK na kainan.

Na-realize ko kung ano ang common namin ni Ayka, nung naging officer siya.  Na-realize ko na parehas pala kaming mahilig mag-isip ng mga ideas.  Iyong isip ng isip ng kung anu-ano.  Nung ma-realize ko nga ito, lagi ko na siya tinatanong ng opinyon nya.

Pag sinubukan nyo pala inisip kung ano ang pinagkakasunduan ninyo ng mga tao - nakakagulat minsan.  Meron pala, at minsan marami pala.  Saka mas OK din isipin ang mga pinagkakasunduan, kesa naman sa mga bagay na di pinagkakasunduan di ba?

Happy Birthday Tita Vangie

Aug 1 is Tita Vangie's Bday. 





Tingin ko pag di nyo tinanong kung pang-ilang bday ito, baka may raffle hehe.  Happy Birthday Tita Vangie!

Latest Craze in Town

Zagu, Orbitz, Coffee and now Frozen Yogurt.  Not sure kung napapansin nyo ang paglaganap ng mga Frozen Yogurt stores sa ka-Maynilaan.  Di ko sigurado kung sino sa kanila ang nauna at kung sino ang pinaka-sikat.  Well, alam nyo naman lactose intolerant ako.   Nakakakain ako ng yogurt pag inom ng gamot.

Golden Spoon, White Hat, Californiaberry, Yogi Berri, Green Mango, Cold Spoon, Yogurburd, Yoh-Gurt Froz, Yo Swirl, Tutti Frutti, Yogihaus at syempre BTIC.   Grabe...meron na raw 50+ Frozen Yogurt (or FroYo) brands sa Pilipinas.  Amazing!  

Dalawa pa lang ang na-try ko.  Well sa Makati kasi sila pareho.  Very interesting, kasi eto ang yogurt na ang presyohan ay timbangan.  Depende sa timbang - ng yogurt at ng mga toppings na fruits, nuts, candies - yun ang babayaran.  Merong 18 pesos at meron ding 23 pesos per oz. 

Parehas OK ang Frutti Froyo at Qoola.   So highly recommended.  Unang beses kong kumain ng Froyo - halos 350 ang binayaran - sobrang excited sa paglalagay ng kung anu-anong toppings at fruits.

Ano na-try nyong Frozen Yogurt, at alin ba ang the best?




Friday, July 29, 2011

PB Singapore Updates

Petite said...


"Sayang din kasi yung 10k if ever. Kapag inalis mo ba kami ni one sa room allocations na binook, affected ba ang presyo na bbayaran per person?"
Alright, so based on this,  magiging 13 tayo mag-stay sa hotel.  So ang mangyayari:  3 triple rooms at 2 double rooms.  Yan ay kung mayroong available na makukuha si Tita Che-Che.  Otherwise, babayaran nating 13 ang extra reservation.  Which would make it 5,700 pesos per person as opposed to the original 4,800.

Bago natin ma-finalize ito, pakisabi na lang kung meron pang comment about the booking.  So we can finalize. 

1.  Meron ba sa inyong gustong magkasama sa kuwarto na dalawa kayo?  At willing magbayad ng mas malaki - 6,720 per person for 3 nights?  Ibig sabihin ay 13,440 pesos para sa dalawang tao sa loob ng 3 araw?

2.  Meron ba kayong ayaw makasama sa kuwarto?  Di ko na sure kung sino ang magkaka-away lately haha.  So i-PM o text nyo na lang ako. 

3.  OK lang ba sa inyong tatluhan sa kuwarto, at may posibilidad na kayo ay matutulog sa sofa bed?  Kasi kung ganoon, baka gusto nyong mag-dalawan sa kuwarto.

Thanks.

Thursday, July 28, 2011

Infinity

Narinig nyo na ba ang Infinity Pool?  Eto yung swimming pool na parang walang katapusan, di mo na masabi kung saan nagtatapos ang swimming pool.


Eto ang mga shots ni Lola Maam at Tita Che-Che mula sa SkyPark sa Marina Bay Sands Singapore.  Asa Top 5 Best Inifinity Pool in the World at  no.1 Coolest Inifinity Pool




Sa Pilipinas, ang mga cino-consider na best Infinity Pools ay iyong sa Punta Fuego at eto nga sa Acuatico in San Juan, Laiya Batangas.   With our Model, Karen...




Ang galing ano!  Mas mukhang natural iyong infinity pool ng Pilipinas =).

While in Singapore

Para sa mga nagtatanong...

1) Opo, puwede pong magpapalit ng Philippine Peso para sa Singapore Dollars (SGD).   Sobrang lakas at lalo pang lumalakas ang Sing$.  Ayon sa Bangko Sentral na website, 1SGD = 35.18 Pesos na.  At hinuhulaan pang tataas ito, dahil na rin sa impact ng pabagsak na presyo ng dollars.

2)  Ang taxi fare mula Airport hanggang hotel ay 25 dollars.  Puwede namang 4 sa isang taxi.  So lalabas na 6.25US Sing or 220 pesos per person.  Medyo mahal.

3)  Since ang hotel ay asa gitna ng Little India at Orchard...Puwedeng lakarin mula hotel hanggang Orchard St - 5 minutes lang.  At mga 10-15 naman hanggang shopping area.

4)  Ang hotel ay nasa tahimik na lugar, well sa taas nga ng bundok e.  So you can really relax.  Ang pinakamalapit na train station ay sa Little India - mga 3 major na kanto pag nilakad.  

5)  Di masyadong uso ang mag-taxi sa pang-araw-araw sa Singapore.  Bus at train ang uso.  Pero siyempre pag may bitbit na dalahin kelangan mag-taxi na.   Sa bus kasi, ang 11 kilometers ay 1.33 SGD lang.  Ang mura ano po?   Sa train naman, ang 1-way trip from the Changi Airport to Little India ay 2.10 SGD lang.  Compared nga sa 25+ pag taxi.

6) Eto nga pala ang itsura ng adaptor sa Singapore (at Malaysia na rin). Kakaiba.  Di ko sure kung makakabili nito sa Pilipinas.  Puwedeng manghiram sa hotel, pero madalas silang nauubusan e. 


7.  Ang Singapore ay nasa Equator.  Kung mainit sa Pilipinas, mas mainit sa Singapore.  Kelangan lang ng jacket kapag nasa loob ng casino hehe, o dahil sa ulan.  Kapag umulan sa Mindanao, kinabukasan may bagyo na sa Singapore.  So posibleng umulan ng malakas sa August.  Rainy season din sa Sing.

8.  Pinakasikat na pagkain sa Singapore ay ang Chilli Crabs.  Sikat rin ang Bak Kut Teh - parang pork ribs na may soup at ang Chai Tow Kway (Fried Carrot Cake), Laksa, Curry, Satay at marami pang Malaysian at Indian inspired food. 

9.  Exag naman ang naging reputatasyon na "Fine City" ang Singapore, dahil sa dami ng bawal.  Well totoo nga na marami ang bawal, pero marami dito ay common sense lang naman:  Bawal magkalat ng basura (tama lang di ba?), bawal mag-yosi sa hindi designated smoking area (tama rin), bawal magtapon ng itlog sa kotse ng ibang tao (ma-ca-caning ka),  bawal mag-jaywalking.   Totoo rin na sobrang mahal ng multa rito, so huwag na nating subukan.  Sumunod sa batas.  Magbayad sa bus maski sobrang daling mandaya.

Examples:

JAYWALKING
FINE: S$ 500 for first time offence, while 2nd time would face court hearings and jail terms not more than 3 months. Repeater offenders could face a max of S$ 2,000 fine and jail up to 6 months.

CHEWING GUM
FINE: S$ 500

PAG DURA IN PUBLIC
FINE: S$ 500


MGA MULTA SA MRT

Wednesday, July 27, 2011

Welcome Back Lola Nanay

Kaninang tanghali nakabalik na si Lola Nanay sa Pilipinas.  Aba, 6 buwan na rin pala siya sa Canada.  Ang bilis din.   Kasama niya si MM sa paglalakbay.   Hmmm si MM, nakaka-3 beses ng bisita sa Pilipinas in the past 2 years, maabilidad ha.

Bago umuwi si Nanay pumasyal muna sila nila Tetes sa Centre Island.  Ito ang pinakamalaking isla sa Toronto Islands, obviously asa Toronto, Canada ito.

Eto ang mga pictures:












1 more thing on the Singapore Hotel

Forgot to mention.  Booked na ang hotel sa Singapore - Hangout at Emily, pero di pa bayad ito ha.

At ang gastos nga ay 142Sing$ which is 4,828 pesos nga.   Pero hindi pa bayad ito ha.  Meaning tayo magbabayad bawat isa dun na sa hotel mismo.  So kelangan nating magbayad in SIngapore Dollars.  I suggest to get money from the bank or magpapalit sa airport pag dating natin.

Tuesday, July 26, 2011

More Discounted price for Singapore Hotel

Cinonfirm ni Tita Che-Che na ang presyo sa Hang-out hotel ay inclusive na of tax.  So, very good news.

Ang presyo ng triple room ay 142 Sing$.   At 34Pesos = 1 Sing, tapos mumultiply natin ito ng 3 nights.  Lalabas na mga 4,900 pesos na lang.  Isang tao para sa tatlong gabi.  Wow!   Best deal talaga.

Naka-book na tayo ng 5 kuwarto.  3 kuwarto tig-3 para sa girls.  At 2 kuwarto tig-3 para sa boys. 

Eto ang mapa ng Hangout at Mt. Emily.

Happy Birthday Tita Eyan

Jul 27 is Tita Eyan's Bday.


In case you forget, Tita Eyan is 5-time PB Best Actress nominee and 2-time Best Actress Awardee. Happy Birthday Tita Eyan!

Happy Birthday Tito Egay

Jul 27 is Tito Egay's Bday.  Ang PB Best Director ay magician na rin.


Happy Birthday Tito Egay!

Monday, July 25, 2011

Job Interview

Sabi ni PNoy sa SONA nya, bumaba ng 0.8% ang unemployment sa Pilipinas mula Jun 2010 hanggang sa kasalukuyan.  Ito ay lagpas 1 Milyong Pilipinong nagkaroon ng trabaho.

Last month, kausap ko nga ang mga fresh college grad sa isang University Forum.   Sabi nga nila, di nila problema ang paghahanap ng trabaho.  Ang problema nila ay pamimili ng trabaho.  Wow!  

Nagulat nga ako nung sinabi nila na hindi sila nag-pra-practice para sa Job Interview.  Dahil sa dami ng mga kumpanyang nag-i-interview sa kanila.  Yun na raw ang practice nila.  Sabi ko, napakasuwerte nila at nasa panahon sila na marami ang trabaho.

Una kong job interview halos 2 dekada na ang lumipas.  Dati pag nagkaroon ako ng 2 interview sa isang linggo, suwerte na.  Minsan buwan ang hinihintay ko para ma-interview.   At sobra talaga ang preparasyon.  Papahiramin ako ng damit ni Tito Jorge, Tito Par at Tito Egay.   Tinuruan pa akong magkabit ng kurbata ni Tito Egay.  At si Tito Egay din ang nag-practice sa akin sa interview.  Ano ba ang mga tinatanong, at paano ba sagutin.  At syempre sobrang strikto ni Tito Egay maski practice. 

Ibang iba na talaga ang panahon maski sa paghahanap ng trabaho. 

Singapore Hotel Booked na

Na-book na ni Tita Che-Che ang Singapore Hotel - sa Hangout @ Mt. Emily.   Successful din sa pagtawad si Tita Che-Che.  So ang 3 Star hotel ay lumabas na ~145 SGD per room/night.  Eto na ang pinakamurang deal ever - dahil mas mura pa ito sa mga 1 Star Hotel e.  Many thanks Tita Che-Che.

Dahil mura, merong kondisyon =).  (wat du u ekspek hehe)
1)  3 tao bawat isang kuwarto
2)  3 kuwarto na tig-3 tao para sa girls.  2 kuwarto na tig-2 para sa boys
3)  Since parang hostel kasi ito, ganito talaga dun

Pag ganito kasi lalabas na 6,000 pesos per person for 3 nights na yon ha!  Posible pang bumaba ito, dahil sa conversion.  Kinuha muna namin ang max for computation purposes.  At wala na pong mas mura pa rito.  Kung sa Victoria Court nga 500pesos ang 3 hours at ang 12 hours ngayon ay 1,000 pesos na!  haha.  Tama ba ito Kuya Jim?

Kung dun kasi tayo sa dalawahan, magiging 7,700 per person for 3 nights.  So kung mag-asawa magiging 15,000 na ang presyo.

Paki-sabi na lang kung meron kayong comments about the reservation.  Ang huling araw nating puwedeng baguhin ang reservation ay August 1.  So after August 1, eto na ang final.

SUMMARY
1)  All flights booked to Singapore - booked na last June.  Si Tita Bhogs din may flight booking na.
2)  Meron na rin tickets for Universal Studios.  At may sukli pa kayong lahat na 300P each. bec of discounts
3)  May booking na rin tayo for the hotel sa Hangout at Mount Emily
  • 2 kuwarto tig-3 tao para sa boys.  2 x 3 = Total of 6 boys
  • 3 kuwarto tig-3 tao para sa girls.   3 x 3 = Total of 9 boys
4)  Nag-aabang pa kami ng pinakamurang sale para sa mga pupuntahan natin ex.  Night Safari, etc.

Walang Pasok

sa August 29 at August 30 pa naman.  So 4-day long weekend ito, kasi Lunes at Martes ang 29th at a-trenta.

August 29 kasi ay Eid ul-Fitr (huling araw ng Ramadhan) at August 30 ay National Heroes Day.

http://newsinfo.inquirer.net/28233/palace-announces-4-day-long-weekend-in-august

Sunday, July 24, 2011

Final Thoughts from the Circus Party

Overall, mukhang masaya naman si Tita Yet sa kinalabasan ng party, so we can call it a success.

Pero sa lahat ng polls para sa PB Parties, Christmas man, birthday o Golden parties - PB always vote for presentations as their favorite. Sobrang konti bumoboto sa food maski saan ito, at halos wala talagang bumoboto sa speeches. Next time nga huwag na tayong kumain, mag-present na lang haha.

Weird no?  Kasi kung walang speeches, I guess OK pa rin ang party.  Kung walang presentation at magic, tuloy ang party pero sobrang corny, ano nangyari sa party na yun walang kwenta.   Pero kung walang food, hahaha e di tag-gutom naman ng party yon. 


Seriously, kung presentation ang favorite ng PB, e di magpasalamat tayo sa lahat ng mga nag-perform. Di kasi madali mag-perform, di naman yung parang pupunta ka na lang dun at kakanta o sasayaw.  Hirap mag-pre-pare ng props, ng costumes at syempre ng practice. 

So muli, salamat sa mga magicians, assistants at sa performers, choreographers, costume designers, mananahi, producers, directors, videographers, editors, nagpakain nung practice.  As you can see from the poll, PB gave you very high marks for the Circus Presentation and  the Magic.  Good Job!

Happy Birthday Evot

July 25 is Evot's Bday.    Yikes, 28 yrs old ka na?



Happy Housewarming and Happy Birthday Evot.

Circus Party Pics from Kriza

One week ago na ang party, so this could be our final set of pics from the Circus Party.   This batch is from Kriza.  THanks Kriza for uploading.

This was Tito One's Doble-Kara's performance.  With Kriza and Aix as back-ups.


At eto naman ang Side B ng doble-kara performance.


Trainer Kevin with the Circus Animals.



And here are the animals having fun with their performance



The magician, the assistant, the dancers, and jester Ian.



Club 27

Bad news all over the world ngayong weekend.

Una, lagpas 90 katao ang napaslang sa Norway.  Nagkaroon ng 2 attacks.  Una ay ang pagpapasabog ng bomba sa Regjeringskvartalet, nandito ang executive government quarter.  Ang pagsabog ay pumatay ng 7 tao.  Ang pangalawang atake ay nangyari makalipas ang 2 oras sa isang Youth Camp.  Isang taong nagpanggap na pulis ang nag-open fire sa mga campers at pumatay ng 85 kasali sa camp.

Kagabi lang, tinalo ng Kuwait ang Philippine Azkals 3-0, sa 1st leg ng 2nd Round of the Asian World Cup Qualifiers.  May 2nd leg pa sa Huwebes na dapat ipanalo ng Azkals with 4 goals difference.

Kahapon, natagpuang patay ang Grammy Award winner na si Amy Winehouse


Si Amy Winehouse ay British pop-rock superstar.  No.1 ang album niya na Back to Black nung 2009.  Siya ay 27 years old.  Kabilang na siya sa tinatawag na 27 Club,  mga rock superstars na namatay sa edad na 27.

Kabilang dito sina Brian Jones, ang nagtatatag ng Rolling Stones.  Si Janis Joplin.  Ang no.1 guitarista na si Jimi Hendrix.  Ang vocalist ng the Doors na si Jim Morrison.  At si Kurt Cobain ng Nirvana. 

Saturday, July 23, 2011

PB Singapore Updates - July 23

Naka-book na si Tita Bhogs ng flight.  Mauuna sya sa atin by an hour ata, hintayin na lang daw niya tayo sa airport.

Nag-book na rin ng room si Tita CheChe, para may sure room tayo.  Bale 3 rooms na pang-dalawahan at 3 rooms na pang-tatluhan.  Tapos dibay-dibay na lang natin.  Lumalabas na 7,500 per person for 3 nights.  Pero tumatawad pa si Tita Che-Che, so advise namin kayo kung anong final result sa price.

Ang hotel ay Hangout at Mt. Emily.  Parang YMCA ang dating pero mas maganda.  Eto ang advantages at disadvantages:

+
+ Malaki ang room para sa presyo.  Puwedeng gumulong ng 3 beses sa kama.  Di parang hospital.
+ Free Breakfast
+ Sosyal mga kasama.  Mas mababango naman
+ OK ang tambayan sa roofdeck.  Pangmayaman.
+ 10 mins away from Orchard Rd.  at 10 mins away from Little India
+ Free Internet Access

-
- Asa bundok ito (kaya nga Mt. Emily e hahaha.  So medyo challenging ang pag-akyat.  Mag-exercise na
- Kaya from the airport sigurado tayong mag-ta-taxi (4$ per person or 120 pesos per person)
- Walang TV sa room, so magdala ng cards at ibang libangan.

Kung gustong makita ang mga pictures ng lugar eto ang website
http://www.hangouthotels.com/singapore/index.php


Pag ayaw ninyo nito, pakisabi na lang.  Ang contingency plan natin (worst case) ay mag-stay sa Hotel 81 sa Geylang.  Eto naman ang + and -.

Hotel 81 Geylang

+
+ Pinakamura sa lahat.  Lalabas na 5,500 per person for 3 nights na yon
+ Laging may palabas sa kalsada - mga pokpok hahaha
+ May TV sa room

-
- Sobrang liit ng kuwarto.  Kung paano kayo natulog ganun kayo gigising
- Mag-too-toothbrush habang naliligo, dahil sa liit ng banyo
- Di OK ang location, kaya mag-ta-taxi tayo lagi.  Pero since 4$ lang naman ang taxi per person, di pa rin mahal.
- Di nyo puwedeng sabihin sa mga friends nyo na sa Hotel 81 kayo nag-stay hahaha

Halata?

Kung meron mang time na dapat maging plastic - eto ata yung sa bukasan ng regalo pag bday.  Kitang-kita ang ebidensya kung nagustuhan o hindi.  Kayo na ang humusga =).


Napaiyak sa galak

--> 

Namangha sa galak


Parang pilit na galak


Napanguso sa galak


Di magkandatuto sa galak


Tinago ang halimuyak ng galak


Napalaki ang mata sa pagtago ng galak

Pics galing kay Camae - Tita Yet's Circus Party

Baka last batch na ito.  this time from Camae. Thanks Camae for taking pictures and for uploading.


Yehey, may picture naman pala ang ating Best Dressed Boy from the Party - together with the children=)


Andrei in an artistic shot


Planking x5.  Kawawa naman yung nasa ibaba.


Eto iyong magic ni Tito Jorge


At eto yung ballroom dancing


Magic ni Tito Egay na nagpapaikot ng ulo


O di ba, naging blonde.


Eto iyong magic ni Tito Jim.  Di naman pala halata sa picture.


Ang speech ni Tiyong


Ang speech ni Sister.