Naku, 4 days akong di makaka-blog. So all-out na natin ang kampanya laban sa impersonation na yan. hehe
Naghahanap kasi ako ng pictures from previous PB Christmases. So nakita ko ang mga pictures natin from 10 years ago - 2001.
Well patawarin na natin si Charlie Chaplin at FPJ, na medyo OK naman. Pero, my point is pag personification kasi, depende talaga yan kung sino na-assign sa iyo. What I'm saying is di kasalanan ni Kevs, Par, Tiyang at Dianne na di ko na maalala kung sino sila dati. Eh sa yon nabunot nila e. They did the best they can. (teka sino nga ba talaga nabunot ni Par, Dianne, Kevin at ni Lola Tiyang?)
And please don't say na "eh di mag-pray ka na mabunot mo si Lady Gaga". Eh kung ganun pala e mag-raffle na lang wag ng mag-personification.
Gusto nyo pa ng evidence? Exhibit #2...
Here is the Impersonation contest nung 2002...
I guess Kevin was Elvis Presley? Pero iyong iba, really sorry di ko na maalala. At usually naalala ko talaga lahat. Once again, I don't think it was their fault. Camae is a multi-awarded (2 na kasi e hehe) PB performer, and so is Kriza at si Kevs din. Si MM fashionista. At pati si Tito Jorge napa-sablay dito eh lagi siyang Top 5 basta may costume. They did the best they can with the impersonation kung sino nabunot nila.
Di naman po natin dine-deny ang 2 bagay:
1) Puwedeng maganda ang nabunot, pero wala pa ring kuwenta ang impersonasyon. Huwag na tayong magbigay ng example ha please. hehehe
2) At puwede ring walang kuwenta ang nabunot pero puwedeng gawing OK.
Pero tandaan na ang nanalo nung 2002 ay si Madonna at John Travolta. Runner-up si Tina Turner at Michael Jackson. So talagang may bias.
Isa pa, contest ba ang mahalaga dito? O ang buong portion ng programa. Remember 50+ ang PB, kung 4 ang OK, grabe sa tagal ng mga presentation ng walang kuwenta. At ang siste, mahirap silang sisihin, e sa yon nabunot nila.
Kung gusto nyo pa ng iba pang evidence eto ang Exhibit #3.
Kung yung mga icons na nga na sila Elvis Presley, Marilyn Monroe atbp e nahirapan tayong i-impersonate o i-personificate, e paano pa yung mga modern artists na di naman lahat may kilala?
Eto ang mga artitst na may no1 songs this 2011. Paki-tingnan nga po, imaginin ang mukha ng taga-PB kung makikilala ninyo.
Parang pare-parehas naman. Sorry po, nahihirapan akong ma-excite dito. Lalo na kung nabunot ko si Bruno Mars. Di naman ako marunong kumanta. At di naman siya dancer. So ano gagawin ko? magso-sombrero at mag-li-lipsynch? Exciting ba yon?
At kung 55 tayo, palagay ng 1 minute per person. Juice ko die, 55 minutes yon. At kung 10 lang ang may kuwenta (which is actually about the right number), e di 45 minutes na walang katorya-torya.
Pasaway ba ako at-macomment? Bakit dine-deny ko ba? =).
Peace lang po. gusto ko lang maisalarawan ang aking point na nung Nov 2 ko pa po sinasabi. Meron pong dahilan kung bakit 9 years na nating hindi ginagawa yan.
At kung gusto pa ring ituloy ito...for sure gagawin naman ng PB ang lahat. At may mga PSP naman e, puwedeng maglaro for 45 minutes, habang nag-peperform yung mga minalas sa pagbunot. =)
4 comments:
Tingin ko din yung mga batang 3g eh mabobored at maglalaro na lang ng psp habang meron nagpeperform.Ngayon ko lang naisip na ilang beses na pala natin ginagawa yung impersonation
me point nga, bilang lang naman sa PB ang marunong kumanta, malamang lipsynch ang mangyayari which is boring...
may point ka dyan do-I, iba rin kapag inimagine na talaga kung ano ang mangyayari
Tingin ko magiging active ang mga batang 3g kapag ung program eh nakakarelate sila like playing wii or psp...hehe
Post a Comment