Very sorry at natanggal na pala ang MTV sa programa. Iyong comment ko about not having a contest anymore sa PB Christmas ay isa lang Wild Idea. Gusto ko lang po sana na meron sanang bagong mangyayari lalo na kasi modern ang theme.
Kakatawa naman ang mga ibang comments na baka mahakot ni Tito Egay ang lahat ng awards. hahaha. malamang! e pero pag inisip ninyo talaga naman ang ShakeRattle, HighSchoolMusical at Japanese ang pinaka-OK di ba. Puwede, huwag ng mag-bitter-bitteran! hahaha.
Ganito kasi. Tulad ko rin ba kayo na alam na ng buong office ang tradition ng PB? or classmates kaya?
- So last week tinanong ako ng office mate kung ano PB theme this year.
- Sabi ko Modern. Na-excite nga sila.
- Tapos tinanong ako kung anong mangyayari
- Sabi ko MTV
- Sabi nila, di po ba nagawa nyo na yon dati. Kala ko di kayo nag-uulit? Mommy nyo nga pa si Britney, di ba?
Eto lang po ang isa kong point. Kung yung mga ka-opisina ko nga po e alam na nila na nagawa natin dati yon. E talagang baka dapat pag-isipan ito.
- Sabi ko meron ding impersonation
- Paano po yon
- Iyong gagayahin iyong mga sikat na artists currently
- Di po ba nagawa nyo na yon dati? Kayo si John Travolta
Actually ayoko ng maalala ninuman na naging John Travolta ako. Pero wala na tayong magawa, sobrang sikat na ng PB, na maski yong kaibigan, kaopisina, classmate, magbobote, magdyadyaryo e alam na ang ginagawa natin pag Pasko.
So one last time, puwede po ba natin i-consider ang Impersonation o Personification na yan? Nagawa na po natin kasi.
Puwede po ba tayong mag-consider ng di pa natin nagagawa?
Example
- Angry Birds Live. Gagawa ng live maze/puzzle at so-solvin ng team
- PB Dota. 2G contestants and coach ay 3G (bawal silang humawak ng mouse o PC) why not di ba?
- FB sa PB. Parang Facebook pero gagawin nating Live sa PB
- How about a Techno Fashion Show? Same characters pero rarampa sa runway with tech music. Mas madali kesa impersonation. Parang modern parade with modern characters
- Lola Techie Tech. para kasali naman ang mga 1G, alangan namang hindi. Unahan magsindi ng computer =) o unahan maghanap ng palabas sa TV. unahan mag-text. parang ganun
- Cosplay. Kung talagang gusto ng costume at parang impersonation. Akala ko nga ito ang gagawin pag sinabing modern
- PvZ 2011 PB Edition. Hahabulin ang mga 4G tapos babatuhin ng (pekeng) prutas at gulay
- MoyMoy Palaboy Live MTV, kung mapilit talaga sa MTV
- Txt vs. jejemon. so magpapadala ng text o jejemon message ang 3G sa kabilang team na puro 2G. iintindihan nila at gagawin ang instructions.
- RapRap and Karen game. Bale kunwari nakasalang tayo sa Senate hearing. Tapos pagalingan magsinungaling parang iyong mga generals at mike arroyo. contestant ay 3G tapos magtatanong 2G hahaha. para naman may socially relevant na game =)
Ideas lang na puwede. Iyong iba may kuwenta, yung iba wala, naisip ko lang ngayon. Sorry kung puwede po huwag iyong recycled. just another thought po.
7 comments:
pwede siguro ay cosplaying.yan naman ngayon ang uso d b?suggestion lang naman to.imber na magimpersonate tayo.
thanks sa mga suggestions mo tito ido. mga modern talaga!
ang ginagawa namin ngayon ay tipunin ang mga suggestions nyo. almost everyday na kami puyat kaiisip. meron ulit kaming meeting this Saturday. yung gustong mag-participate eh pumunta sa Santan ng 10am.
Jay E, ang impersonation ay tuloy na tuloy na dahil sa madami na ang excited dito at nag-aabang base sa mga text na narereceived namin. Di na po ito aalisin. medyo mas madali kasi fix na ang gagayahin mo. i-google mo na lang. Cosplay kasi pwede ito dun sa mga games pero walang fix na gagayahin baka mas mahirap kung para sa lahat.
tito ok po ang lahat ng sinabi niyo. modern na modern tlga!parang panahon tlga namen, kya pla hindi naintindihan ni mama hehe
Madam President,
Excuse me, hindi naman ako excited sa impersonation...kaw lang kaya nangungulit sa text na magbigay kami number...watch pa nga ako pakyaw nun eh.
Yun palang trophy at cash prize para sa MTV eh i-claim ko na... winner by default!
Mukhang ala na naman ako kalaban eh...nagtiklupan na mga dyaske!!!
maski wala ng MTV contest eh sana gumawa pa din si Tito Egay ng MTV nya, para me mapanood sa pasko diba? exciting and for sure worth it.
mag second the motion na kayo para ituloy ni Tito Egay
natawa naman ako dito kay dyaskeng egay! feeling nya eh sya na naman ang mag-champion.
at astig, balak pa magclaim ng prize! iniisip na namin ang iyong award "Di Sumuko Award!
Post a Comment