Saturday, January 14, 2012

Revisiting Europe - Day 3 at Vatican City

We arrived nightime sa Italy.  We said let's go to another country...Vatican City.  Well, technically Vatican City is another country.  It is the smallest country in the world.

Siyempre gabi na lang ako nakakalibot.

Eto ang picture ng Vatican Museum kung saan andun ang Sistine Chapel. Paborito ko dito kasi andito ang Map Museum. Alam nyo naman na mahilig ako sa geography. Naaaliw akong ia-analyze kung paano nila iniisip ang mundo dati... example, maraming mapa bago makapunta si Magellan si Asia na wala ang Pilipinas. Interesting.



Ito ang St. Peter's Basilica. Mga 6 PM ito sa may Angelus, kaya konti ang tao sa labas. Di pala kita ang kuwarto sa kanang itaas. Kuwarto ni Pope iyon at kumakaway siya sa mga turista minsan.


Eto ang loob ng St. Peter's Basilica. Lahat ng nakikita ninyong kulay ginto...talagang ginto. So iyong hinuhulog sa simbahan, ayan ginagawang gintong dekorasyon.
Malamang iyong mga kinarukot sa Pilipinas nuong panahon ng Kastila ay pinambili niyang bubong na iyan. Made of ivory ang mga estatwa ng santo at ginto at pilak ang mga palamuti. Tsk tsk tsk.  Kung anu-ano talaga ang maiisip mo pag pumasok sa St. Peter's Basilica.


OK. maski pangit ako sa picture na ito (ito lang ha!), nilagay ko na. Baka isipin niyo na di naman ako nakapunta at kumuha lang ako ng ibang picture. hahaha.


1 comment:

Anonymous said...

mukhang photoshop lng ung kasama ka sa pic.:)