Tito Jim, ang dami naman palang comments tungkol sa mga ideas sa Golden Bday mo. Iyong iba syempre walang kuwenta at pang-asar lang, pero marami naman may katuturan.
Costume
- Tito Jim, iyong mga guests mo rin ba mag-co-costume? Baka kasi mahirap ang hippie-rocker, para sa mga guests at sa ibang PB din. Paano kaya kung "Rock" costume na lang? Iyong puwedeng maski na anong decade, maski na anong klaseng Rock, basta "Rock". Para din mas madali para sa lahat, pati mga guests. Para mas masaya at maganda.
Comedy Bar
- May pa-premyo ka ba sa winner, Tito Jim? Parang mas OK kasi kung merong winner. Puwede kasi, ang Comedy Bar e yung contest nung may mga gifts - tapos mag-jo-joke sila o mag-stand-up comedy. Puwedeng tungkol sa gift, puwedeng mag-joke lang. Mag-pa-premyo ka na, at least may guaranteed gifts ka na di ba? hehe.
Host
- Totoo bang 100 ang guests mo? hehehe. Nasagap lang. Kung marami ka kasing guests na hindi PB, malamang di bata ang mga yon ano, at ka-edad mo. So parang OK kung 2G ang host o hosts mo. Nung una kasi parang OK pag 3G ang hosts, di ko naman alam na ang dami mo palang guests hehe. What do you think?
Pero it is your Golden Bday - so ikaw na mag-decide. Susunod naman kami sa yo. Aangal muna sa simula, pero susunod din.
6 comments:
tama ka dyan tito ido , syempre may pa premyo ako sa lahat ng mananalo , pa contest sa comedy , pa contest sa kantahan , at madami pa akong mga pa contest , i try to convince si jay e , na mag papremyo ng brand new penshoppe na pants ,magbenta rin yata si jay ng pants sa venue .
tunkol naman sa costume ok nayon mag rock & roll costume na kahit anong decade , may premyo din sa best costume .
sa ragalo ; bahala naman ang pb sa pakulo nito , gifts ! syempre di ko alam kung anong gifts bigay nyo , ok lang kahit anong style ng pag bigay basta meron kayong maibigay ha ha ha
tungkol naman sa emcee , try mo magbotohan kung sino ang gusto ng PB sa mga 2G , ok sa mga 2G , kasi ganito mangyayari sa banda may 2 sets sila , pwede rin na mag kaiba emcee sa bawat set .
thanks kuya jim!
nice na meron palang prizes sa contests - additional motivation for participants
tingin ko ang medyo mahirap lang ang yung 2 sets ng band. Kasi 1 set = 1 hr. So ibig sabihin 2 hours silang tutugtog? Hmmm, ibig sabihin mawawala na talaga ang program nito.
Baka lang kasi tutugtog ang banda ng 2 hours, tapos makikinig ang audience? hmmm. actually ok lang naman medyo relax party ito.
So promise Kuya Jim, ito talaga gusto mo, 2 sets ang banda? Puwede naman talaga gawin ito, challenging lang ng konti. Paki-sabi na lang. Tapos kausapin ko ang iyong Program Manager para ayusin ang program. Si Tita Yet yun no?
yes ! si tita yet yon , my program manager or venue organizer , party planner and every thing
Jim,kasi baka mainip ang guest mo kung 2 sets ang band e kapusin pa tayo sa time. kung gusto mo pwede nating silang pakantahin during dinner o kaya after the program proper. what do you think?
jim, sana naka-costume din yung mga guests mo para in naman sila sa theme natin.
thanks, ido sa suggestions mo ha.
i think ok na yung 2-3 sets of bands...
yung program part eh gawin parang comedy bar- sample ng prgram:
1. program 1 - (kahit ano)
2. tutugtog ang band (pde sabayan na kumain)
3. comedy bar part
4. gift giving
5. tutugtog ang band
-pde after ng bawat song eh meron magspeech
-pde din na magrequest ng song sa band na related sa sspeech ng magspeech
-pde din gawin kantahin ang speech kasabay ang band
puwede naman talaga itong 2 sets ng band. ang tanong, e yun ba ang gusto?
malamang magiging sobrang relax ito. tutugtog ang banda, makikinig ang audience. personally, yoko lang maging parang Shakeys ang party ni Kuya Jim. hahaha.
pero kayang-kaya ni TIta Yet yan - ayusin ang program.
Post a Comment