Akalain mo eh 20 days na pala akong presidente ng PB. For 20 days, ay madami-dami na rin akong di makakalimutang experiences pero ang the best ay nangyari kagabi.
My mentor Aunt was here playing mahjong last night. Sobrang natuwa ako kasi pareho pa rin sya ng dati. She would give comfort and advice to me. Kaya nga excited ako pag nakikita ko sya. One of her good advice, eh wag maasar sa mga nang-aasar at sabi nya wag mo masyadong pansinin yang si Ido. Pinaiyak nga daw si Ido noong bata pa sya at nahirapan din noong sya ay Presidente ng PB. Ang dalas kaya nya naging president (Balak pa ata akong paiyakin).
Eto pa, pag nagdecide kayo as officers, ituloy nyo. Susunod naman yang mga yan. Kayo ang nakaupo at hindi sila. May sumasidelight pa, si Ayo, niloloko lang daw ako ni Kuya Ido nya. Tuwang-tuwa naman ako sa panloloko ni Ido at di maiwasan ng puso ko na magpalpitate minsan. Pero, dami na nga nya na-suggest na iipunin ko para sa meeting natin sa Nov30.
Meron din namang, very supportive, ang payo nya eh, sagutin mo lang ang gusto mo sagutin at relax lang. Sino pa nga ba yon, eh di si Jorge. At madami syang si-nuggest na sobrang na-appreciate ko talaga.
Meron naman nagtext, tutor ka ng tutor, asikasuhin mo muna kaya ang PB. Si Jim yon, pang-asar! (Textback ako, Penge sweldo).
A few days after the election, tinext ko naman si Edet, pwede ka ba magpresident ulit parang di ko kaya. Ever-supportive din. Eto sabi nya, tutulong ako, wag ka mag-alala. At sobra din naman talaga sa pagtulong. almost everyday ko katext. Yung sa catering, nakahanap na sya at sa iba pang aspeto.
Pero minsan, naisip ko ang sarap pala dati na susunod ka na lang sa flow, magsusuggest at magparticipate sa event . Huwag maging KJ. Tumulong. Mahirap din talagang mag-prepare lalo na ang expectation ay pa-akyat. Pero, this is the time to give back,ako naman. Naghirap din sila noon.Wag lang masyado. he!he!he!
To sum it all, I am just here to be your servant. Ako po ay inyong utusan lamang. handang maglingkod sa aking makakaya. Sa inyong suporta ay susuungin lahat ng balakid upang mapagtagumpayan at maging masaya ang Pasko ng PB, ang birthday ni Jesus Christ! Naniniwala din ako na magkita-kita lang tayo na walang problema sa bawat isa ay masaya na.
Ang estado ng PB ay matatag at patuloy na magiging matatag dahil sa pagbibigayan at pagmamahal sa bawat isa!
Mabuhay ang PBs!!!
1 comment:
wala man lang nag-react! silence means yes...
Post a Comment