Tuesday, November 15, 2011

mid November

all of a sudden mid-November na.  Maski sinasabi ng mga tao na sa probinsya ay mabagal ang takbo ng oras at araw, grabe naman ang November na ito.

been out of cyberspace for almost 5 days ata.  si mommy kasi is still here - last few days.  so sinusulit ang pamamasyal at shopping.

kumusta na kayo?

1) wala kasing tv pa dito sa condo.  I mean may TV nakasaksak na nga ang WII.  pero walang cable, at sa panahon ngayon pag wala kang cable, wala ring palabas.  So yun may TV, pero walang palabas.  pero may WII.

2) meaning di rin ako nakapanood ng laban ni Pacquiao at Marquez.  maski na replay.  so bakit ganun ang feedback ng mga tao?  parang di ata unanimous at parang close fight.  meron ding mga pinoy na mismo ang nagsasabi na dapat si Marquez ang nanalo.  I do not have an opinion, kasi nga di ko naman napanood.

Pero my take, di ba dati feeling ng mga Pinoy lagi tayong nananalo sa boxing.  Kasi kalaban e mga sikat at mga galing sa mayayaman na bansa.  So pag close fight e laging talo ang Pinas.  Sa kaso ni Manny kasi baligtad.  Siya ang pinaka-sikat at ang no.1 pound for pound.  So kung sakaling tabla, talo ang kalaban.  Sa panahon ngayon kung di mo mapabagsak si Pacquiao, di siya matatalo kung mga desisyon lang yan.

Politics my dear.  And boxing has tons of it.  Mas maraming tao ang yumayaman pag si Manny ang nananalo.  Nuff said.

3) nabasa ko lang sa inquirer na parang nag-place ata ang candidate ng Pilipinas sa Ms. World.  tama ba?  parang runner-up ata. 

tapos sabi ng boss ko, ang term na X-Factor pala ay inspired ni Melanie Marquez.  Not sure if it was Gloria Diaz or a photographer who coined the term.  Ang ibig sabihin daw e maski anong angulo sa X ng camera mo ilagay ang mukha ni Melanie, e maganda pa rin.  ewan kung kuwentong barbero ito.

1 comment:

ayo said...

1st runner up si miss Phils sa miss world kuya, venezuela nanalo.

ke manny naman, parang ngayun ko lang ulit nakita na nabugbog si Manny after the fight, well bugbog din si Marquez pero dami sugat ni Manny ngayun, di nga nakapag-concert after the fight eh hehe..