Naku eto na nga ba. Etong mga Pasko activities at mga 50th bday na ito ang nagpapa-komplika ng buhay. Nung bata pa kami, e para ang simple lang naman ng Pasko. Kakain, magpapalaro, magpipilihan tapos pupunta na ng fiesta carnival. Ibang-iba na ngayon!
Nung unang 50th bday - yung kay Tita Ate. Maganda din naman ang program pero simple ang presentations. At di pa ata uso ang theme nun. Mas lalong-iba-iba na ngayon.
Nung Rock 50th Bday ni Tito Jim. Akala ko iyon na ang pinaka todo to the max presentation ng PB. Kasi parang tinaya na natin ang lahat nun pati pato at panggulo. Until dumating nga ang Golden Bday ni Sister Vicky tapos ang Circus party ni Tita Yet. And iyon na nga para sa akin ang best PB Presentations ever ay nung Fiesta Party ni Tita Edith (ok lang if you disagree). So talagang papataas ng papataas ang leveling natin mga ka-PB.
Nung una kong kinuwento sa mga ka-opisina ko ang ginagawa natin pag Pasko. Pakiramdam ko parang ang tanga-tanga natin. Kasi bakit nga ba tayo nagpapakahirap mag-Disney Christmas, e puwede namang hindi. Sa pagtagal ng panahon iyong katangahan e nagiging pride pala. Kasi pag every year kinukuwento mo ang mangyayari e talagang napapa-iling na lang sila sa mangha.
from Ballroom, to Retro, to MTB, to JokeJokeJoke, to Enchanted, to Filmfest, to MTV, at to Paskong PB Ngayon e talaga namang kakaiba. Sabihin nyo na ang mga puna, pero kelangan nating i-admit na exciting ang theme na Cowboy at Amazing Race.
Which takes us to 2011. Gaano ba kahalaga ang maging unique ang programme ng PB Christmas? Kasi, for sure maski ano naman ito, e gagawa tayo ng paraan para maging masaya ito. Kung maayos naman ang program pero nagawa na natin, di ba OK yon? Kasi meron din tayong Pasko na unique ang theme pero medyo may kaguluhan naman di ba. Dapat ba ang Paskong PB ay parehas: unique na maayos pa?
Tingin nyo?
2 comments:
madami talaga pwedeng gawing bago lalo na kung "modern" ang theme.
ipunin ang mga suggestions at ibulalas sa nov 30 meeting
nice one, ayo!
Post a Comment