Thursday, July 28, 2011

While in Singapore

Para sa mga nagtatanong...

1) Opo, puwede pong magpapalit ng Philippine Peso para sa Singapore Dollars (SGD).   Sobrang lakas at lalo pang lumalakas ang Sing$.  Ayon sa Bangko Sentral na website, 1SGD = 35.18 Pesos na.  At hinuhulaan pang tataas ito, dahil na rin sa impact ng pabagsak na presyo ng dollars.

2)  Ang taxi fare mula Airport hanggang hotel ay 25 dollars.  Puwede namang 4 sa isang taxi.  So lalabas na 6.25US Sing or 220 pesos per person.  Medyo mahal.

3)  Since ang hotel ay asa gitna ng Little India at Orchard...Puwedeng lakarin mula hotel hanggang Orchard St - 5 minutes lang.  At mga 10-15 naman hanggang shopping area.

4)  Ang hotel ay nasa tahimik na lugar, well sa taas nga ng bundok e.  So you can really relax.  Ang pinakamalapit na train station ay sa Little India - mga 3 major na kanto pag nilakad.  

5)  Di masyadong uso ang mag-taxi sa pang-araw-araw sa Singapore.  Bus at train ang uso.  Pero siyempre pag may bitbit na dalahin kelangan mag-taxi na.   Sa bus kasi, ang 11 kilometers ay 1.33 SGD lang.  Ang mura ano po?   Sa train naman, ang 1-way trip from the Changi Airport to Little India ay 2.10 SGD lang.  Compared nga sa 25+ pag taxi.

6) Eto nga pala ang itsura ng adaptor sa Singapore (at Malaysia na rin). Kakaiba.  Di ko sure kung makakabili nito sa Pilipinas.  Puwedeng manghiram sa hotel, pero madalas silang nauubusan e. 


7.  Ang Singapore ay nasa Equator.  Kung mainit sa Pilipinas, mas mainit sa Singapore.  Kelangan lang ng jacket kapag nasa loob ng casino hehe, o dahil sa ulan.  Kapag umulan sa Mindanao, kinabukasan may bagyo na sa Singapore.  So posibleng umulan ng malakas sa August.  Rainy season din sa Sing.

8.  Pinakasikat na pagkain sa Singapore ay ang Chilli Crabs.  Sikat rin ang Bak Kut Teh - parang pork ribs na may soup at ang Chai Tow Kway (Fried Carrot Cake), Laksa, Curry, Satay at marami pang Malaysian at Indian inspired food. 

9.  Exag naman ang naging reputatasyon na "Fine City" ang Singapore, dahil sa dami ng bawal.  Well totoo nga na marami ang bawal, pero marami dito ay common sense lang naman:  Bawal magkalat ng basura (tama lang di ba?), bawal mag-yosi sa hindi designated smoking area (tama rin), bawal magtapon ng itlog sa kotse ng ibang tao (ma-ca-caning ka),  bawal mag-jaywalking.   Totoo rin na sobrang mahal ng multa rito, so huwag na nating subukan.  Sumunod sa batas.  Magbayad sa bus maski sobrang daling mandaya.

Examples:

JAYWALKING
FINE: S$ 500 for first time offence, while 2nd time would face court hearings and jail terms not more than 3 months. Repeater offenders could face a max of S$ 2,000 fine and jail up to 6 months.

CHEWING GUM
FINE: S$ 500

PAG DURA IN PUBLIC
FINE: S$ 500


MGA MULTA SA MRT

4 comments:

che said...

hola. confirmed ba tayo sa singapore flyer (yung giant wheel) -- may promo kasi ngayon. $28 per person sa flyer libre na ang river cruise. maganda din yung cruise. river cruise costs $15. flyer originally costs $29.

pls. let me know until bukas umaga. pwede ko na bilhin in advance. tnx!

Tita tetes said...

Ayos ung deal na yan...sabi nga ni lola ma'am gawin natin lahat pwede gawin sa singapore, tutal minsan lang naman makapunta SG eh....Ok ako dyan!

jim said...

sige ok din ako dyan !

che said...

meron universal adaptor sa cdr king, ok yun very useful, parang P100 ko lang nabili