Sunday, July 31, 2011

Latest Craze in Town

Zagu, Orbitz, Coffee and now Frozen Yogurt.  Not sure kung napapansin nyo ang paglaganap ng mga Frozen Yogurt stores sa ka-Maynilaan.  Di ko sigurado kung sino sa kanila ang nauna at kung sino ang pinaka-sikat.  Well, alam nyo naman lactose intolerant ako.   Nakakakain ako ng yogurt pag inom ng gamot.

Golden Spoon, White Hat, Californiaberry, Yogi Berri, Green Mango, Cold Spoon, Yogurburd, Yoh-Gurt Froz, Yo Swirl, Tutti Frutti, Yogihaus at syempre BTIC.   Grabe...meron na raw 50+ Frozen Yogurt (or FroYo) brands sa Pilipinas.  Amazing!  

Dalawa pa lang ang na-try ko.  Well sa Makati kasi sila pareho.  Very interesting, kasi eto ang yogurt na ang presyohan ay timbangan.  Depende sa timbang - ng yogurt at ng mga toppings na fruits, nuts, candies - yun ang babayaran.  Merong 18 pesos at meron ding 23 pesos per oz. 

Parehas OK ang Frutti Froyo at Qoola.   So highly recommended.  Unang beses kong kumain ng Froyo - halos 350 ang binayaran - sobrang excited sa paglalagay ng kung anu-anong toppings at fruits.

Ano na-try nyong Frozen Yogurt, at alin ba ang the best?




3 comments:

ayo said...

sa tutti frutti kasi ikaw ang kukuha mismo ng yogurt at toppings, dami flavors pero hinay-hinay kasi P18 per oz.

camae said...

Frutti Froyo :)

ido said...

Hi Mae, saan merong Frutti Froyo sa South?