Tuesday, July 12, 2011

Expectations

Frustrations are often caused by missed expectations.  Ang pinakamalapit na salita sa Filipino para sa expectations ay "inaasahan".

Inaasahan mong ma-pro-promote, inaasahan mong makakakuha ng mataas na grade, inaasahan mong makakakuha ng premyo.  Iba-iba ang inaasahan ng bawat tao.

Sa Math o statistics ang formula ng expectations ay:
E [X] = (x1p1 + x2p2 ... + xkpk) / (p1 + p2 ... pk)

Sorry parang complicated pero hindi naman.  Ibig sabihin ng p ay ang Probability na mangyayari.  Ibig sabihin ng x = ay mga factors.  Nagpapaalala ang Math na kelan mong i-consider lahat ng factors para sa expectation mo.

Gawa tayo ng example:

1)  Ine-expect mong mapro-promote ka

- Magaling ka ba?  Gaano ka kagaling?  Mataas ba evaluation mo?  Kung feeling mo e magaling ka dahil yun sabi ng boss mo, at mataas ang evaluation mo, lagyan natin ito ng 95% or 0.95
- Paano ka ma-pro-promote?  Mag-re-resign ba ang boss mo? mag-re-retire?  Meron bang bagong position na laterally puwede kang mailipat?  Palagay nating mag-re-resign ang boss mo so may opening.  So puwede natin sabihing 100% ito or 1.0.
- Kung mag-re-resign ang boss mo at magaling ka, ang tanong, ikaw ba pinakamagaling?  Tingin mo pag tinanong ang boss mo kung sino kapalit, ikaw ba sasabihin?  Tandaan, minsan akala mo lang ikaw ang pinakamagaling, pero di naman pala hahaha.  Kung di ikaw ang pinakamagaling e di 0% ka rito.

Expectations = (0.95 + 1.0 + 0) / 3 = 65%.  So 65% kang puwedeng ma-promote.  Kung ako sa iyo, huwag ka munang magpablowout =).

2) Ineexpect na lahat ng PB ay makakarating sa party ni Tita Yet

- Ngayon pa lang alam na natin na di matutupad ito.  8 kasing PB ang abroad
- Kung babaguhin natin ang statement na "lahat ng PB na asa Manila makakarating ng Party", computin natin
- Maraming puwedeng computation dito:  historical, inferential etc.
- Pinaka-accurate e isa-isa.  ex. makakapunta ba siy Lola Tiyang (1.0), Lolo Tiyong (1.0),  etcetera
- Sa pagkakaalam ko, merong 3 na tao na di pa sure or hahabol, so bibigyan natin sila ng 50% or 0.5

 (1.0 + 1.0 + 1.0 ...0.5 + 0.5 + 0.5)/44 = 96.05%.  

Merong 96% chance na lahat ng PB na asa Manila makakarating sa party ni Tita Yet sa Sunday.  Not bad, pero kung ineexpect na lahat makakapunta e para na ring 0 ito. 

So either, tawagan ni Tita Yet ang bawat isa at hingan ng commitment (di rin naman sigurado), o babaan na lang niya ang expectation na 96% ang makakarating.


3) Makakatanggap ba ng iPhone si Tita Yet  (example lang ito ha for mathematical purposes hehehe)

- Iba pag-compute nito, dahil ang factors nito e merong economic at historical factors
- Ilang PB ba ang may kakayanang bumili ng iPhone?  mahirap sagutin.  Bilangin natin kung sino sa PB ang bumili ng bagay na mas mahal sa 35,000 (presyo ng iPhone) nung nakaraang 6 buwan.  Palagay nating 15.  So, 15 tao ang may kakayanang bumili ng iPhone.  Bigyan natin sila ng 5% or 0.05
- Sa 15 PB na ito, ilan ang may kakayanang bumili ng iPhone? mahirap ding sagutin.  Palagay nating 5.  May kakayanan lang naman, pero di siguradong mag-reregalo.  So bigyan natin sila ng 20%
- Sa limang ito, sino na ang nakapag-regalo ng iPhone?   Ang sagot ay dalawa.  Nagbigay sila ng iPhone, pero magbibigay ba sila sa Sunday?  Di natin alam.  Kaya assignan natin sila ng value nila ay 40% or 0.4.

Gamitan na natin ng Math:

(10 * 0.5 + 3 * 0.2 + 2 *0.4 + 38 * 0) / 52 = 3%.

Yikes, 3% chance na may magregalo ng iPhone galing PB kay Tita Yet.  So Tita Yet, pakibabaan ng sobra sobra ang expectation, baka ka ma-disappoint.  Or baka rin meron sa PB na gustong hamunin ang formula na ito, at bigyan ka ng iPhone hehehe.  Eh di pinakamabuti.  Balato ko ha =).

3 comments:

Anonymous said...

Ido...nagtatanong lang? Sample lang ba ung iphone sa mga ginawan mo ng formula kung ano expectation? Kasi wala dapat iexpect si tita yet na iphone dahil wala naman ito sa wishlist...ipod ung gusto nya di ba?

Darwin's Theory said...

theoretical lang ang iPhone. pero iyong math medyo tama ata.

che said...

napaka komplikado naman nito!