Congratulations sa buong PB! Sa aking opinyon, collectively, eto ang ating best performance sa anumang PB 50th bday o Christmas Party. Kitang-kita ang effort sa costumes, sa choreography at sa practice. Ibang level ang performances kagabi - tantya ko x3 magagaling kayong lahat kumpara sa mga iba pa nating nagawa dati.
Pasensya na po at masungit ako nung practice =). Pero yun po ang natural ko talaga, pag bumabait ako, nagpapapanggap lang po ako nun.
Syempre, magaling man ang lahat, meron pa ring mga DANCE PRESENTATION na Umangat sa Iba. OK lang kumontra at magpahayag nag sariling opinyon.
SPECIAL MENTION FOR BEST DANCE PERFORMANCES
- Pagbigyan na po natin ang Small 3G at 4G. Ang liliit naman po kasi talaga nila. Tapos ang kukulit pa po talaga nung mga bulilit. Ang mahalaga ang gaganda naman nilang lahat e. At saka ang saya rin nilang lahat.
- Ang ganda siguro sa picture nung Fan Dance ng 3G Girls, OK kasi ang mga formations nila e, saka nga yung contrast ng colors
- Recognize din nga natin si Ms. Puerto Rico. Kasi iyong talent niya nagsimula e parang nakakahiya, pero nung tumagal aba, ang galing ha. sobrang entertaining. Kaya nga siya 1st Runner-Up e
- Batiin din natin ang Pandango Performance ng mga taga-Standard. Ganda pala ng Orange na Baro't Saya. At dahil may ilaw sila, meron pang addtional degree of difficulty
- #3 ay ang song and dance performance ni Ms. China. hahahaha. Kaya nga Ms. Talent na PB Babes pa
TOP 4 Favorite DANCE PERFORMANCES
#4. BULAKLAKAN NG 2G GIRLS. Score of 95.4% (haha may score pa)
Ang nagustuhan ko sa kanila e mukhang ang saya nila habang sumasayaw. Dahil makulay ang damit at props, at larawan talaga sila ng kaligayahan sa nayon, Top 5 ang Bulaklakan Girls.
#3. 1G SANTA CLARA. Score of 96.7%
Loved the costumes. Also loved the energy of the 1G presentation. Pinanood ko rin ang reaction ng audience, at talagang na-appreciate nila ang effort nila Ditse, Nanay, Lola Tiyang, Lolipot at Lola Maam. Napansin nyo bang wala sa kanilang nagkamali. May nahuhuli lang, pero well, that is acceptable, dahil maliliksi din ang steps nila.
Tie for Top2: MAGLALATIK ng 2G BOYS at MODERN ETHNIC 3G BOYS. Score of 98.8%
MODERN ETHNIC NG 3G BOYS - nung practice, 100% ang score nila, pero medyo kinahaban ata sila. Naging seryoso ang mga mukha nila. Pero choreography at execution, panalo ito! Makalaglag panga (jawdropping) na performance ang binigay nila. Iyong mga audience sa harap ay namangha lalo na nung dumamo ang mga ibon at nagsimulang magkikikisay. Congratulations PB 3G Boys!
MAGLALATIK ng 2G BOYS - audience impact at entertainment value - panalo! Sila alam nilang nagkamali sila ng steps, pero ang audience ni hindi naman nahalata. Like true professional performers, tuloy pa rin ang hataw. Lively, nakakadala ng crowd, punung-puno ng bahay at parang saya saya sila sa ginagawa nila - di ba yan naman ang mahalaga sa isang performance. Congratulations PB 2G Boys.
and our FAVORITE...the IGOROT DANCE by 2G Girls. Score of 99.1%
Ang Igorot dance nila Tita Ate, Tita Helen, Tita Siony at choreographer Tita Eyan ang lesson na puwedeng seryoso ang dance pero nakakadala pa rin ng crowd. Sabi nga mga audience "Wow! Grabe naman!". Exactly, our feelings too. A very solid, flawless performance from the 2G Girls. Congratulations.
Once again, congratulations po ulit sa buong PB!
6 comments:
Sa aking PB family, sobrang thank you sa inyong lahat sa ginawa niyong preparasyon. Hindi makakalimutan at matagal na pag-uusapan ang ginawa niyo kahapon. Hindi na magtataka ang standard kung bakit ganon na lang ako pag nagpe-perform sa program namin at kung pano ko sila pagalitan pag hindi maayos performance nila. Dami ko na-receive na text messages from them na sobrang nag enjoy sila at sumakit panga kakatawa lalu na sa PB Babes. Akala ko, di nila gusto, kwela pala for them. Sulit daw kahit ang pag stay nila ng late. Galing daw ng host magdala ng program. Iba talaga kayo! tayo! The great PB!
Salamat pala kila Tetes, Che at Evot at Charise sa vdeo na pinadala. Saludo ako sa inyo!!! Thank you from the bottom of my heart.
tito ido parang nakalimutan yata yong blowing of cake at sabayan pag kanta ng happy birthday kay edet , pero in fairness ang sarap ng cake na give away , naka apat nga ko , panay kasi ang alok nila ng cake .
Pero tito ido saludo ako sayo sa pag dadala mo ng program ' SALUDO AKO SAYO ' word of the day
agree kuya jim ang sarap ng cake! naka-2 ako, plus take home.
Thanks Tito Jim on your comment sa pag-ho-host. Hay naku, 3 buwan akong nagpaalam at napayagan lang nung Thursday! Pero sinabihan na akong tigilan na ang hosting. So di na talaga puwede next time. I-tr-train ko ang mga PB Babes, mukhang marami sa kanila may potential. Thanks!
bulong bulongan bago simulan ang sayaw maglalatik .
par : jim kabisado mo ba yon sequence ng sayaw ?
jim : eh hindi , kaw kabisado mo ?
par : bahala na !
egay : sabayan na lang natin tugtog
jorge : sige he he he
mwa hahaha. astig kuya jim. since 10 times ko kayo napanood mag-practice, alam kong merong maling step. pero sa audience natin, sobrang di halata. like si lola maam nga mismo sabi niya wala kayong mali. lalo na ang audience hehe
i agree, magaling ang host natin that night si Ido at na-handle nya perfectly kahit mag-isa lang sya! at not to mention ang paghigpit nya sa practice. Sino ba naman ang 'di gagaling eh takot ma-tsugi ang performance? Ginamit nya na isang 'challenge' ito sa atin para galingan pa natin! kaya nga nirayuma ako pag uwi natin nuon galing Tagaytay...Ay naku! buti na lang, nakapasa kami... at kita naman ang pinaghirapan, di ba? excited na ako sa pics at video...
Post a Comment