Ang dami ko nga palang na-harass nung PB practice para sa bday ni Tita Edith. Talaga kasing pinaulit ko ang mga ibang sayaw ng ilang ulit. At nasabihan ko nga pala iyong iba na: "walang impak" at "ang baba naman ng degree of difficulty nyan". Sorry po.
Nung mas bata pa ko talagang perfectionist ako. Tipong hanggang hindi na-so-solve ang Math problem ng exacto, di ko talaga titigilan. Ganun din nung programmer na ko. Talagang di ko ipapasa hanggang hindi na-te-test lahat ng posibilidad, para siguradong walang mali sa ginawa ko. Sa tennis, maglalagay ako ng dahon dun sa service area sa kabilang court. At di ako titigil hanggang tamaan ang dahon. Minsan nga umabot ng 2 oras, basta serve ako ng serve. Never give up.
Pero I remember na sinabi ko sa sarili ko na kapag sa PB di puwedeng perfectionist. Kasi mapapaaway talaga ako hehe. Pero the good thing, yung mga PB mismo e always aspiring to give their best. At napapansin ko talaga yon everytime may presentation for a Golden bday. So buti na lang di ko kelangang maging perfectionist all the time.
Yun lang di lang ako sanay sa attitude na puwede na. Dati naiirita ako sa mga taong ganito, ngayon nalulungkot na lang =). Kasi sayang ang chance at opportunity to do your best. At sabi nga nila habit becomes character. Sobrang di ko ma-take ang mga characters na may puwede na attitude.
1 comment:
1.) "Tsu-tsuguin ang part nyo!";
2.) "Walang impact!";
3.) "Walang dating!" o
4.) "Palitan ng ganito,ganire!".
Eto 'yung mga narinig namin sa yo pero naging challenge din ito para sa lahat, I guess.
May mga kinabahan nga lang kaya di na makangiti during practice. May nag-walk-out nga rin (ashlie) pero nag-perform din sa actual.
Basta kay Andrei, walang epekto ang 'comments' mo. Ang galing!
Kaya nga, nag-level-up na ang mga performances at activities natin dahil nga siguro we practice itong pagiging 'perfect'.
Sana nga, we all take it positively, when someone requested us to be perfect. Sometimes, irritating but the result proves that it's worth it. (napapa-ingles tuloy ako...)
Post a Comment