Saturday, January 31, 2009

Top 5 PB Blogger Locations

The demographics of our visitors has changed this week. Here are the top 5 visitor locations from 1/25-1/31.

#5. Livermore, California
#4. Diliman, Bulacan
#3. Quezon City
#2. Las Pinas
#1. Toronto, Canada

Celebrity Look-Alike

SABI ni One, e si LOU FERRIGNO daw. Hmmm aba, di naman pala masama. ('Ne, pinagtanggol kita, balatuan mo ko).






Tingin ko talaga e si BILLY JOEL. Siguro dahil kumakanta rin siya, at kaboses pa niya. Look...







HUY, grabe naman kayo. Sobra naman yan. Hindi naman si...


ALLAN K.






Kung sino talaga, e kayo na humusga. Pero para sa PB, talagang artistahin ang ating BIRTHDAY BOY.



HAPPY BIRTHDAY TITO BOYET!
MAHAL NA MAHAL KA NG PB
(talagang bumawi!)

Friday, January 30, 2009

Options for Sunday Live Chat

Hello Tito Boyet, di kasi ganun kadali kapag Yahoochat ang ginamit e, lalo na kung maramihan. Pero eto ang options pakisabi na lang kung alin ang mas gust mo:

OPTION 1: YAHOO CONFERENCE WITH WEBCAM FOR ALL
+ Makikita mo ang mga mukha ng lahat
+ Sobrang saya at alaskahan
- Puwedeng maging mabagal connection at madami ang ma-di-disconnect
- Malamang ang chat natin ng isang oras e puro: "bakit hindi kita makita", "i-on mo ang kamera mo", or "hindi kita marinig"

OPTION 2: YAHOO CONFERENCE WITH ONLY TITO BOYET ALL
+ Mas maayos sa chat room, at tuluy-tuloy ang chat
+ Magty-type ka lang
- Di mo kami makikita, parang corny. Ikaw makikita namin.

Let me know Tito Boyet kung alin ang gusto mong Option. Parehas puwede nating gawin, pero parehas may pros (+) and cons(-). Ngapala ang ID mo ba sa Yahoo Messenger ay iyong ginagamit mo pang-email sa akin?

PARA SA MGA CHATTERS sa SUNDAY.
- Paki-email nyo sa akin ang inyong YM ID, para ma-invite ko kayo sa conference
- So far eto lang ang meron akong yahoo ID: ayo, che, ma, edith, one, ia, jimmy, ate yet, john,
- paki-click nyo ang profile ko para malaman ang id ko. or itext nyo lang ako ng YM ID nyo

Suweldo Gimik

nagtrabaho ako hanggang alas-10 ng gabi. naimbitahan ako maging panel sa Leadership Accelerator Training. OK naman masaya, pero matindi hanggang gabi ng Biyernes. So walang gimik. Saka, di naman namin suweldo ngayon e.

Haba ng pila sa ATM kanina.

So anong gimik mo Friday night?

Thursday, January 29, 2009

POSING DO's and DONT's Part 1

BABALA: Kung mahina ang sikmura mo o kaya ay sensitive ka, e please skip this post.
O ayan a, may warning ka na....
************************************
Marami talaga tayong matututunan sa mga lumang picture - kabutihang asal, pagpapahalaga sa pamilya, pagkakaisa at higit sa lahat: LAGING HANDA PAG KODAKAN na. Pero madalas, e kelangan pa nating masaktan bago matuto.

Eto ang mga examples. And welcome to our TULARAN at HUWAG TULARAN Series.

TULARAN #1.
Parang ang sarap ng kinakain nila di ba? Mapapa-burger burger ka talaga. Ang ibig sabihin e, hindi naman bawal magpa-picture habang kumakain. Dahil puwede mo 'tong gawing ASTIG.

HUWAG TULARAN #2.
Huuuy, huwag naman ganyan kalaki ang subo. Asa restaurant ka kaya. At wow, tumingin pa talaga siya sa camera! Gosh!

TULARAN #2
Kapag hindi ka naman sobra sobrang kaguwapuhan e ganito gawin mo: 1) siyempre lumayo ka sa camera ng maitago ang mga baku-bako 2) huwag ka munang huminga for 10 seconds, para mukhang maliit tiyan at 3) tumapat ka sa tubigan at mag-imbento ng pangalan ng fountain sa France o Spain o maski na saan basta malayo. Instant pogi points di ba?

HUWAG TULARAN #2


Nye! OK lang tumawa sa picture, pero gosh! huwag naman ganyan. Balang araw e puwede mong pagsisihan yan. Payat + malaki tiyan + humahagikgik = kelangan ng COMBANTRIN!

TULARAN #3
Kung 8 years old ka at nasa tabi ng swimming, aba e puwedeng puwede ang pose na yan. Natural hindi pilit. At talagang cute ng dating.

HUWAG TULARAN #3

haha! At nilipat pa nya sa kabila. Siguro kung di ka naman kandidata sa Little Miss Philippines, e hindi ko inaadvise ang ganitong pose.

TULARAN #4


Eto ang sinasabi ko. Hindi mo naman talaga kelangang nakatingin sa camera lagi para maganda ang pic. Puwede ring stolen shot o candid, pero maganda pa rin ang register sa film.

HUWAG TULARAN #4


Hindi porket ikaw ang bunsong pinsan e lagi ka ng cute. Maski anong edad, kapag bilugan ang mga hita mo e huwag ka na sigurong mag-mini, lalo na kung meron kang bakokang.

TULARAN CLASSIC
Para namang hindi nyo alam na dito rin tayo papunta...




Siguro TULARAN pa rin. Kapag nagawa na PANINDIGAN na. At kapag PINANDIGAN NA e di IPADALA pa sa ibang bansa. Talagang SOSYAL!
***************************
Gusto nyo ba ng part 2 ilaglag naman natin iyong iba?

5 Years After

The date: Sept 28, 1984. It was Che-Che's 7th Bday. So around 5 years after the now legendary 1/29/79 "Mukhang Mayaman" pic.

2 Problems:
- Unfortunately, I don't think we changed for the better 5 years after
- Worse, MAS MALINAW NA ANG MGA PICTURE!







Palagay nyo, nagbabasa ba ng blog si Par? parang hindi ano? kasi ni hindi man lang siya nag-co-comment. Pero ayoko pa ring mapahamak, kaya sasabihin ko na ang totoo: maski payat pala si Par mukha pa rin siyang artista.

LIVE CHAT Resched

Based on BIRTHDAY BOYET Request, our Live Chat on Sunday Feb 1 will be at 1PM (Manila time). THis might be a better sked for us in Manila,kasi tapos ng mag-lunch so puwede talagang mag-relax habang nag-cha-chat.

Inaayos namin na Yahoo Messenger ang gamitin natin. Ang major constraint ay isa lang ang puwedeng camerang naka-on. So at least makikita natin si Tito Boyet, tayo di niya makikita. Pero OK na rin kasi at least may audio, magkakarinigan tayo.

Kung sakaling magkaroon ng aberya, e di balik tayo sa BLOG Chat Box.

More instructions to come in the next days. Chat-Chat!

Wednesday, January 28, 2009

1979


Baka naman mag-comment pa kayo na malabo ang picture. Ang reaksyon ko nga nung una kong makita ang picture ay: MAY CAMERA NA PALA NUN! INFERNESS, colored naman ang picture 30 YEARS AGO.
Maski mukhang tukmol tayong lahat, e of course puwede pa ring mang-laitan, lalo na ang mga buhok. At least di na tayo magiisip kung anong itsura natin 30 years ago.
In summary: "ang ganda ng kuha natin dito, parang mga anak mayaman eh". MWAHAHAHAHAHAHA.

Perang Bato

Talamak din sa internet ang mga tinatawag na FRAUDS or SCAMS. Sari-saring gimik at kanya-kanyang style ang mga manloloko. Di naman kelangang huminto mag-blog, mag-comment o gamitin ang BATIAN BOX. Kelangan lang nating iwasan na magbigay ng ating email address o kaya'y phone number, o house address sa COMMENTS o maski na sa BATIAN BOX.

Kapag naglalagay naman ang mga tao ng mga ganito e dine-delete ko kaagad. Pero reminder lang sa lahat ng PB Bloggers tungkol sa paglagay ng privileged info.

Iyong mga ibang scams naman talaga e sobrang obvious na scam. Lalo na yung mga nagsasabi na magkakaroon ka ng daang libong dolyar mula sa LOTTO o kaya ay sa wire transfer. Eto ang mga pinakasikat na mga SCAMS sa ngayon. Puro mga pera na naging bato.

1) The Nigerian scam, also known as 419. You will receive an email from a member of a wealthy Nigerian family. It is a desperate cry for help in getting a very large sum of money out of the country. A common variation is a woman in Africa who claimed that her husband had died, and that she wanted to leave millions of dollars of his estate to a good business. In every variation, the scammer is promising very large payments for small unskilled tasks. This scam, like most scams, is too good to be true.

They will promise you a large cut of their business or family fortune. All you are asked to do is cover the legal and other fees that must be paid to the people that can release the scammer's money. You will never see any of the promised money, because there isn't any.

2) Advanced fees paid for a guaranteed loan or credit card. If you are thinking about applying for a "pre-approved" loan or a credit card that charges an up-front fee, ask yourself: "why would a bank do that?". These scams are obvious to people who take time to scrutinize the offer. Remember: reputable credit card companies do charge an annual fee but it is applied to the balance of the card, never at the sign-up.

3) Lottery scams. Puwedeng Irish Lottery or UK Lottery. You will receive at least one email from someone saying that you won a huge amount of money. This scam will usually come in the form of a conventional email message. It will inform you that you won millions of dollars and congratulate you repeatedly. The catch: before you can collect your "winnings", you must pay the "processing" fee of several thousands of dollars. Stop! The moment the bad guys cash your money order, you lose. Once you realize you have been suckered into paying $3000 to a con man, they are long gone with your money. Do not fall for this lottery scam.

Sabi nga ni Kuya Jorge aka. John Lloyd, laging INGAT!

Monday, January 26, 2009

YAMAN

Reporter: Mrs. Marcos, it is said that you are the richest woman in the planet. But how much are you really worth?

Imelda Marcos: I do not know. Because if I knew how much money I have, then I am not rich.


PART 1: PAGPUPUGAY
Sigurado, lahat sa PB ay gustong magkaraoon ng pamumuhay na maluwag sa pera. Sigurado rin, marami sa atin ang gustong yumaman.

Kaya sobrang naaliw ako sa picture. Ito ay kuha halos 20 taon na ang nakakalipas.

Nakita nyo na ito.



At ito ang larawang nasa harap


Astig di ba? 80's na 80's: floral 1-pc dress, rollers, short-shorts at analog TV. OK, mabalik tayo sa YAMAN at sa hangad na PAG-YAMAN. Noong 1985, alam nyo bang mas konti pa sa 15% ang pamilyang Pilipino na merong telebisyon? E paano, meron lang linya ng kuryente sa mas konti sa 40% ng buong Pilipinas.


Sino ang may TV noong mid-80's? Ang pagpasok ng 1980's ang simula ng pangingibangbansa ng milyong Pilipino. Ang pangunahing destinasyon ay MIDDLE EAST. Sabagay, kung iisipin nating mabuti, 3 sa 4 na pamilyang PB ay binuhay ng mga OCWs. Huwag na nating bilangin si Ditse ano, dahil di naman usi mag-Japayuki nun. Anyway, sa pagtatapos ng dekada 80, tinatayang umabot ng 6 na milyong Pilipino ang nasa MIDDLE EAST.


Ang no.1 na kasangkapan na binibili ng pamilya ng OCW ay TV. Tinatayang 90% ng Pamilyang OCW Pinoy ang mayroong TV sa bahay. Actually, kami nga rin walang TV ng matagal na panahon, hanggang nag-abroad si Daddy.


Balik tayo sa picture. Sa pagsusuma, mukha nga silang nakakaangat sa buhay dahil merong silang TV. At, ang tinatago nung Persian Carpet ay Betamax. Paano ko nalaman? Huwag na makulit, e nakuha ko nga ang picture na ito, maski tagong-tago ni Ate Edith. Anyway, TV + Betamax + ceramic figurine display - MUKHANG MAYAMAN nga.


Bago ang ikalawang na bahagi ng BLOG POST - magbigay pugay muna tayo sa mga BAYANI ng Bansa at tagapagtaguyod ng PB - Tiyong, Tito, Lolo Dad, Kuya Jim, Ate Vangie, Tito Boyet, Tita Tetes (nung una), Tita Eyan. Kung di dahil sa kanila wala tayong PB Blog (di tayo makakapag-aral malamang e).

PART 2: PAANO MO MALALAMAN
Sobrang damang theory kung paano mo malalaman kung mayaman ka na. Sandamakmak na libro at pag-re-research ang ginawa ko ng mahigit na 2 taon. Pinagsama-sama ko ang mga prinsipyo ng mga dalubhasa sa buong mundo. Ito ang resulta ng aking saliksik.
a) INCOME TEST
- Una, bilangin ang mga dependents mo. (O, nabilang mo na?). Tapos 1,000 pesos araw-araw ang pera ng mayaman. I-multiply ang # of dependents by 1,000 then multiply by 30(para isang buwan). Naguluhan ka ba? Ex. 3 ang dependents mo + ikaw = 4. So, 4 x 1,000 x 30 = 120,000. Ibig sabihin kung meron kang kita na 120,000 a month, e mayaman ka.
b) NEED AND WANT TEST
- Eto mas madali. Ilista mo ang 5 bagay na sobrang gusto mong bilhin - bahay, kotse, sapatos, bag, computer kung anuman. Kapag nabili mo daw ang 3 sa 5 ito sa susunod na 3 buwan, e mayaman ka.
c) SECURITY
- Eto complex. Computin ang gastos mo sa isang buwan - lahat-lahat ha. Maski iyong mga binibigyan mo, pinapagaral, sinusustentuhan ng load, pati mga tip mo sa patay-sindi. OK? Na-compute mo na? Ngayon, i-multiply mo ang TOTAL EXPENSES FOR 1 MONTH by 120. Correct 120, bale 10 years. Ano ba? computin mo na game? Ang tagaaaaaaal naman.

OK na? Good. Kung meron kang ganyang pera, puwes mayaman ka na.


**********************

So, mayaman ka ba? Haha. Syempre ang unang tanong e gusto mo bang yumaman. Sa maniwala kayo't sa hindi e hindi lahat ng tao ay gustong maging mayaman. For sure, nakarinig na kayo sa mga kaibigang mayayaman na ang gusto lamang sa buhay ay maging masaya (aaaaaaah).


Kung masaya sila e hindi ko alam. Pero ang listahan sa ibaba ay listahan ng mga pinakamayayamang Pilipino nuong 2008. Nandyan ang may-ari ng SM, PAL, Cebu Pacific, BPI, Metrobank, GMA7, ABS-CBN2, RCBC, Alaska Milk, Rustans&Starbucks, SMB, Manila Bulletin, Inquirer at siyempre isang senador.

Top 40 Richest Filipinos of 2008 from Forbes Magazine

1) Henry Sy & family
Networth: $3.1 billion
Age: 83; Marital Status: Married, 6 children

His SM Prime Holdings is the Philippines’ largest shopping mall developer. Owns Banco de Oro (BDO), the Philippines’ second-largest bank.

2) Lucio Tan & family
Networth: $1.5 billion
Age: 74; Marital Status: Married, 6 children

Former chemical engineer from China who mopped floors to pay for school. Owns Fortune Tobacco, nation’s largest cigarette maker; Philippines Airlines, country’s leading airline; Asia Brewery, maker of beer (Beer na Beer) and alcoholic beverages; and mining operations.

3) Jaime Zobel de Ayala & family
Networth: $1.2 billionAge: 74; Marital Status: Married, 7 children

Personally holds no shares; wealth now in children’s hands. Jaime is chairman emeritus of the country’s largest conglomerate, Ayala Corporation while eldest son, Jaime Augusto, is chief executive. Holdings include Globe Telecom, Ayala Land, Bank of the Philippine Islands, and several other real estate and BPO companies.

4) Andrew Tan - $700 million
5) Tony Tan Caktiong & family - $690 million
6) John Gokongwei Jr. & family - $680 million, 81 years old
7) Eduardo Cojuangco Jr. - $610 million, 73 years old
8) Enrique Razon Jr. - $525 million, 48 years old
9) George Ty & family - $435 million, 75 years old
10) Inigo & Mercedes Zobel - $430 million
11) Manuel Villar - $425 million, 58 years old
12) Emilio Yap & family - $420 million, 82 years old
13) Vivian Que Azcona & family - $360 million
14) Beatrice Campos & family - $325 million
15) Luis Virata - $270 million, 54 years old
16) Oscar Lopez & family - $240 million, 78 years old
17) Andrew Gotianun - $235 million, 80 years old
18) Alfonso Yuchengco & family - $200 million, 85 years old
19) Mariano Tan & family - $195 million
20) Manuel Zamora - $130 million, 69 years old
21) Menardo Jimenez & family - $129 million, 76 years old
22) Gilberto Duavit & family - $127 million, 73 years old
23) Alfredo Ramos - $126 million, 64 years old
24) Jon Ramon Aboitiz & family - $125 million, 59 years old
25) Felipe Gozon & family - $110 million, 68 years old
26) David Consunji & family - $105 million, 87 years old
27) Rolando & Rosalinda Hortaleza - $90 million, 49/51 years old
28) Eugenio Lopez III & family - $85 million, 56 years old
29) Betty Ang - $80 million
30) Tomas Alcantara & family - $75 million, 62 years old
31) Lourdes Montinola & family $68 million, 80 years old
32) Salvador Zamora - $67 million, 62 years old
33) Philip Ang - $63 million, 67 years old
34) Wilfred Steven Uytengsu Sr. & family - $55 million, 81 years old
35) Enrique Aboitiz & family - $50 million, 86 years old
36) Frederick Dy - $49 million, 53 years old
37) Bienvenido R. Tantoco Sr. & family - $45 million, 87 years old
38) Jesus Tambunting - $40 million, 71 years old
39) Manuel Pangilinan - $39 million, 62 years old
40) Marixi Rufino-Prieto & family - $30 million, 68 years old

Txt OX

Malamang ay nakatanggap kayo ng mga New Year Greetings ngayong araw na ito. At malamang, sobrang corny ng marami.

Meron ba kayong medyo OK naman?

Eto kasi ang mga natanggap ko, at iyong mga nakalihis ang comments:

1) Sana OX ang 2009 mo. (Diyos ko die, puwede bang medyo mas unexpected ng konti?)

2) Wishes ko for u, dito sa Earth ay...
Ox na Health
Ox na Wealth
Ox na Ox na life for u & ur family...

Ox ba?

(Waaah!!! ang corny)

3) OX na OX ang 2009. Happy New Year.
(maganda sana ang start ng new year bago ko natanggap ang text na ito)

Ano mga txt nyo?

Sunday, January 25, 2009

PB CURRENT EVENTS

Dapat updated sa CURRENT EVENTS ang Pamilya Banal

Napakabilis natapos ng buwan ng Enero, ano? Kaya sariwain muna natin ang mga naganap sa loob at labas ng Pilipinas sa buwan ng Enero, 2009.

SA ULO NG MGA BALITA

Milyun-milyung mga Pilipino sa Tondo, Cebu, at Ilo-ilo ang nagraos ng pagdiriwang ng kapistahan ng Santo Nino. Sayawan at Pistahan ang isinasalubong sa taon-taong pagdiriwang na ito. Sa taong ito ay mayroong isang naulat na nasawi. Isang bata ang binawian ng buhay ng mahulugan ng ulo ng isang Poon habang prusisyon.

Sa kabila ng malungkot na balita ay buong Pilipinas ang nagdiwang nga masayang selebrasyon na ito.


VIVA STO NINO!



NAWAWALA ANG NAZARENO

Daang-libong deboto ng Poong Nazareno ang nadismaya sa pagkakawala ng imahe isang araw bago ang kapistahan ng Poon, ika-walo ng Enero. Ngayong 2009, sinadyang ibahin ng punong-abala ang ruta ng prusisyon at ng pinaglalagakan ng Poon, para maisawan ang pagkukumpulan na madalas ay nagiging sanhi ng aksidente.

Ang leksyon: Huwag mag-violet pag kulot ang buhok.





SENATOR SANTIAGO MAY KARAMDAMAN PA RIN

Hindi pa pala tuluyang maayos ang kalagayan ni Senator Miriam, ilang buwan matapos ang kanyang interogasyon sa mga Heneral na nahulihan ng 105,000 Euros. Maaalalang tumaas ang presyon ng senadora habang ginigisa sa pagtatanong ang mga Heneral. Mas maayos naman ang lagay niya ngayon kesa nung December at inaasahang papasok na sa pagbubukas ng senado sa susunod na buwan.




ABU SAYYAF NANGIDNAP NG RED CROSS VOLUNTEERS

Wala pang isang taon matapos ang kontrobersyal na pangingidnap ng ABU SAYAF sa tagapag-balitang si CES DRILON, tatlong katao ang di umano'y kinidnap ng grupo. Ang tatlong bihag ay pawang mga dayuhan at pansamantala lamang nananatili sa bansa bilang volunteer ng RED CROSS. Wala pang naibalita tungkol sa alok na ransom para mapalaya ang mga bihag.



MGA BALITA MULA SA IBAYONG DAGAT

BARACK OBAMA nag-OATH TAKING NA.
Si Barack Obama ay nanumpa bilang ika-44 na pangulo ng Bansang Amerika. Limang araw sa kanyang panunungkulan, isang malaking sularinin ang kanyang seguridad dulot ng kanyang pagkamahilig sa...CELLPHONE. Matatandaang ang dating Senator OBAMA ay parating may hawak na BLACKBERRY-PHONE kung saan man ito pumupunta. Mahilig kasi siyang mag-email at ,mag-i-internet. Ang PRESIDENTIAL SECURITY ADVISORS ay nagpasyang payagan ang pangulo ng magdala ng naiibang cellphone. Ngunit kailangang ito ay walang GPS, at hindi siya maaaring mag-TEXT.


KUNG HEI FAT CHOY!

Mahigit 2 BILYONG Tsino sa buong mundo ang sasalubong sa CHINESE NEW YEAR of the EARTH OX. Maalalalang ang bawat BUWAN sa kalendaryo ng mga CHINESE ay tig-30 days lamang. Kaya't ibang araw pumapatak ang bagong taon sa bawat taon. Ayon sa mga FENG SHUI expert hindi naman tahasang masama ang taong 2009. Bagkus, tulad ng OX, mas kinakailangan lang ng mga tao ng SIPAG AT TIYAGA para makaraos sa panahon ng krisis.


Lihim

May mga lihim na nakatago sa aparador (closet). Meron din sa mga sulat at kasulatan.

Pero walang lihim na hindi nabubunyag. Lalo na ang mga lihim sa likod ng larawan...

ABANGAN.



LIVE CHAT: Sunday Feb 1 @ 11am

Sa Sunday, unang araw ng February ay susubukan natin ang LIVE CHAT with VIDEO. Sana puwede kayo.

Ang ating special guest: Birthday Boyet.

chat-chat!

Saturday, January 24, 2009

PB Blog PUZZLE PIC WINNER



Congratulations sa ating pinakabatang WINNER, ever. At ang matindi, nanalo si Kat sa pinaka-competetive na contest dahil mayroong lagpas 20 ang sumali.

No.2 si Kathleen sa Bloomfield nung last grading period. At First Communion niya sa Feb 7. (in summary: nalampaso tayo ng mag-fi-first communion hehe).


#3. Isa lang ang nakahula, kaya madaling husgahan ang winner.

Tikoy, Tandang, Aso, Baboy

TIKOY
Pamilya nung kaibigan kong Tsino ang may-ari ng Gloriamaris restaurant. Huwag na daw kayong magtangkang pumunta bukas ng dinner - dahil fully booked na talaga.

Tinanong namin siya kung ano brand ba ang BEST TIKOY. Sabi niya, iyong TIKOY na walang pangalan - iyon daw may drawing na dalawang bata. Na medyo mahirap talagang hanapin. Kung di raw makita, ok din ang tikoy ng DEC Deli. Ang payo niya, i-steam muna ang tikoy for 5 minutes bago isawsaw sa itlog at i-prito.

OK ba, cooking show na rin tayo sa PB Blog.

Happy New Year bukas Monday 1/26, lalo na sa tatlong ubod na suwerte naman na signs.

TANDANG o ROOSTER
Jan 26 1933 - Feb 13 1934; Jan 23 1993 - Feb 09 1994
Feb 13 1945 - Feb 01 1946; Feb 09 2005 - Jan 28 2006
Jan 31 1957 - Feb 17 1958; Feb 17 1969 - Feb 05 1970
Feb 05 1981 - Jan 24 1982;

In short 2009 comes as a year of love for all the single roosters. In fact choice will be so vast that these people will find it difficult which one to choose and which one not to choose! Many roosters might end up getting married in 2009.

As far as wealth is considered for the roosters in 2009, this will undoubtedly be a good year. Your goodwill increase and so will the sources of your income. Roosters you will gain immense popularity in this year and that will be a reason for rejoice for many. Of all the zodiac signs, rooster has the highest financial gain stars to boost their wealth in 2009.

Roosters can think about great investments this year, as they won't have any difficulty in arranging money. So, Roosters you can go ahead with their investment ideas without a second thought. Chances are that roosters might spoil their image by arguing face-to-face with others in public. This will result in nothing but gossip, so these people are advised to avoid getting involved in disputes.


ASO o DOG
Feb 14 1934 - Feb 03 1935; Feb 10 1994 - Jan 30 1995
Feb 02 1946 - Jan 21 1947; Jan 29 2006 - Feb 17 2007
Feb 18 1958 - Feb 07 1959; Feb 06 1970 - Jan 26 1971
Jan 25 1982 - Feb 12 1983;

Dogs will enjoy higher authority in 2009. you can look forward to this year 2009 for getting promotions and increases. Apart from it, the dogs will also face stability in their professional life in this year 2009. Good luck will also follow those working on their own or as freelancers.
Chances are less for the dogs to be faced by hurdles in this year 2009.

Dogs are advised to be careful about their digestive system especially during the Lunar months of September and December. Romance will flourish during the months of June and October. If you plan carefully, dogs will have brilliant financial opportunities in 2009. Dogs can make new friends this year 2009 by joining in some association or club. Dogs you are advised to stay alert throughout the year to avoid any mishappening.

Most of the Dogs are going to get married this year 2009 or become parents. Dogs need to be clever too grab the opportunities before you pass away this year 2009. Dogs will also get plenty of quality time for family and friends in this year 2009. Overall, 2009 will be a year of good luck bringing in promotion for the dogs.


BABOY o PIG
Feb 14 1934 - Feb 03 1935; Feb 10 1994 - Jan 30 1995
Feb 02 1946 - Jan 21 1947; Jan 29 2006 - Feb 17 2007
Feb 18 1958 - Feb 07 1959; Feb 19 2018 - Feb 04 2019
Feb 06 1970 - Jan 26 1971; Jan 25 1982 - Feb 12 1983

Pigs will harbor the result of changes that Pigs faced in last year. These people are advised to continue working hard so as to get rewarded in the best possible way. 2009 brings with it travel both in business or leisure way for the pigs.

Pigs who have faced a break up in the year of pig will need to show some effort and courage to start afresh in 2009. Marriage is on card for many pigs this year 2009. Pigs will surely end up getting involved in a steady love relationship provided Pigs show extreme care and love for the partner.

On the financial front, pigs will get good news from everywhere. Pigs can try out different investment opportunities that come their way in 2009. Pigs might find it hard to take decision in the first half of the year.

Be careful, as this year 2009 you are likely to lose some of your loving belongings like cell phone or wallet. This will be the influence of some unlucky star, so be cautious and try to keep your important belongings at a safe place. Also, try to carry minimum amount of money while going for an outing.

Pigs are advised to be extremely careful in legal matters and paperwork. Apart from it, pigs need to know whom to trust and whom not to in this year 2009. Overall, 2009 will be a year of happiness and good luck for the pigs.

makasaysayang 1st PB LIVE CHAT with TITA TETES

lumagpas ng 1 oras ang kauna-unahang scheduled live-chat. kinakabahan akong magiging magulo, pero sobrang ayos naman pala at sobrang saya.

Hiningi ko ang transcript ng chat sa CBOX, at sana maibigay nila bukas para mai-publish natin bukas.

Muli maraming salamat sa mga dumalo sa chat, lalo na sa mga nagpuyat sa Toronto at Texas. At Congratulations sa mga naambunan nga mga ibang-ibang sizes. Yahoo!

till next time

PB Puzzle Pic Answers


1&2. Perfect Scores ang PB sa questions #1 and #2.
- Naalala ng mga tao na si Tita CheChe ay naging Navy na nasabugan ng Dona Paz
- Naalala rin na si Ate Karen ang kasayaw ni Tito Jim. Iyong iba nga dinescribe pa ang damit nya. Sorry, Tito Jim di umepek ang panggugulo mo.





#4) 20% lang ang nakakuha ng tamang sagot. DITSE ba naman? hahaha. Sige nga Kriza mag-comment ka.



#5. Mga 30% ang nadale ng picture na ito. Marami akala si Tita Helen.


#6. Dito marami rin ang nagkamali, 40% lang ang tumama. Dahil siguro sa mga nanggugulo

LIVE CHAT with Tita Tetes at 12noon Saturday

- CBOX ang gagamitin natin sa pag-live chat
- Make sure that you put your name para alam ng lahat kung sino kaya
- Every 30 seconds, please click 'refresh' in CBOX. Para madali nyong makita ang mga messages ng iba
- Pag hindi tayo pasaway, e hindi naman dapat mag-hang ito.
- Pag nanghang e mag-li-live-chat tayo sa ibang site, ipapadala ko na lang.

Friday Gimik

Gumigimik pa rin naman ako, paminsan. Bday ng mga kaibigan kaya nag-dinner kami sa Greenbelt 5. Gulat ako kasi gawa na pala ito. Sobrang sosyal ng mga tindahan sa GB5, iyong iba mas sosyal pa kesa sa GB3. Napaisip ako kung tama ba ang TIMING ng pagbukas ng GB5 sa gitna ng KRISIS. Meron kayang bibili dun? For example, ang pinakamurang relo sa IWC ay kalahating milyong piso. Ang pinakamurang wallet sa Bally 11,000 pesos. Pinakamura na siguro ang ZARA, pero mura sa mga sobrang mahal.

Hmmm. Not sure about their strategy, pero wishing them the best of luck talaga. Sana iyong mga mayayaman ng ibang bansa dito magshopping sa atin.

We had dinner at Chateau 1771. Very reliable menu. Always outstanding food. Pero medyo may kamahalan ang presyo (with wine, mga 1,400 per person). Buti na lang di ako nagbayad.

Afterwards, punta kami Serendra para sa aming favorite tambayan - CAV. Wine Cellar at Cheese place(must try ang emmental and brie!). Sobrang OK ng ambience dahil meron pang wine tasting - wines from all over the world (europe, africa, US, aussie). Pero of course, medyo may kamahalan ulit (mga 1,000 per person). Again, buti na lang at marami may birthday, so nalibre lang ako.

In summary: sobrang OK magbuhay mayaman, PAMINSAN at LALO NA KUNG LIBRE. Hmmm, so para palang hindi buhay mayaman hehehe.

Friday, January 23, 2009

PERSUADING

marami ang merong first wedding. meron ding first and only wedding. pero bihira ang last WEDDING.


POST: Recycle Series #4 - BFF (Karen & Kevin)
jorge said...
tama ka tito ido, malaya na sana ko. ngayon nga parang bartolina na ko, kasama ko na sa opis, pag-uwi ko kasama pa rin. ahayyy...magapatuka na lang ako sa ahas!

trivia: Sa second pic, ang background ay greenbelt church, may pond. Ngayong panahon ay nasa gitna na ito ng gbelt 4 and 5. Alam nyo ba na kami ang huling kinasal sa church na yan (dec 30, 1989) after ng wedding namin hindi na sila nagkakasal dyan. Syempre, ganun pa rin sumatotal, kung nagpakulong ako, laya na sana ko!
January 22, 2009 1:07 PM

Helen said...
Nasa likod ako ni Jorge sa office, nung binabasa nya tong blog. Ganito usapan namin:Helen: A, dyan ka ba kinasal?Jorge: Oo, dyan ako kinasal.(Mga 3-5 seconds after nung na-realize nya na ako pala ang kasama niyang kinasal sa Greenbelt. ehehe.:)
January 22, 2009 1:25 PM

Belated Happy 19th Anniversary Tito Jorge and Tita Helen.

Thursday, January 22, 2009

Ala-ala Noon at Ngayon

NOON

- no.1 fan ni Maricel Soriano at supplier ng mga Tsismis magazines

- Champion ng 100m at 200m sa Araneta, at hindi man lang hiningal

- Imbentor ng mga bago at kakaibang inumin. Sobrang sarap ng chinese gulaman with pandan. At iyong sago/gulaman na merong pinipig at gata ng niyog. Wow! kaka-miss.

- Kaya niyang itaas baba ang kanan at kaliwang kilay ng sunud-sunod






NGAYON

Nang mapuntang Canada, maliban sa iilang pictures ang pinakamatinding ala-ala

- Nilibre niya ang cousins nung umuwi siya

- Sumali siya sa "Cousins" bonding at isiniwalat niya ang kanyang "tunay" na condition sa Canada (cousins - secret iyon di ba? hehe)

- Ang matindi: ay ang mega-pasalubong. Nakalimutan na naming magkakamag-anak kami sa pagaagawan ng pang-harbat ng corned beef, cafe, sabon, toothpaste. Mukha talaga tayong JOLOGS natin at para talaga tayong hindi mayaman nun! Haha.










Sa Iyong 28th na Kaarawan (para may pasalubong tayo). Bumati tayo ng mainit na PB Blog
HAPPY BIRTHDAY TITA TETES!

*********************************************
Paalala: Ang Live Chat with Special Guest Tita Tetes ay sa Sabado na. Sa ganap na 12 ng tanghali. Chat-Chat!

Poll Results

Poll from 1/18 - 1/20: Ano ang no.1 sanhi ng traffic?

Bus - 55%
Jeep - 38%
Private Vehicles - 5%
Motorsiklo - 0%

Mukhang unanimous ang opinyon ng PB tungkol sa traffic. Pag araw-araw ka nagmamaneho at hindi ka bumisina sa mga Bus, dapat ka na atang sabitan ng medalya. Interestingly, walang sumagot ng motorsiklo - na sinasabing bagong sanhi ng traffic.

Poll from 1/10-1/14: Saan at magkano ang handa mong bayaran para sa summer outing?




Wow! pang-mayaman na talaga ito. Talaga lang ha, 12k each ha.

Recycle Series #4 - BFF

Nagmamaneho ako noon sa South Expressway dahil ihahatid ko si Ate sa stasyon ng LRT. Pinag-uusapan namin ang PB. Bigla ko siyang tinanong,
" Ate, tingin mo magiging close ba ang 3G sa isa't-isa. Kasi parang 2nd cousins na sila e?"







Ate,
"Oo naman. Puwede. Bakit hindi?".

*******************************************
Malamang na nasa isip ninyo pagkabasa ng post
Lola Maam: ah! close pala talaga sila dati pa ano?
Kuya Jim: yun na yung post, wala ng kasunod?
Ate Yet: ang ganda naman ng post ni Ido, simple pero touching
Tito Jorge: iyong pangalawang picture nung kasal ko iyon 18 years ago. Kung nagpakulong ako, laya na ako ngayon
Tita Helen: Ah, diyan ka kinasal?
Tito Ayo: kaninong kotse yun?
Tito Boyet: Anong point?
Tita Che-Che: Hello! Best Friends Forever ang BFF ano
Evot: Puwedeng maging close ang 3G, basta merong SPONSOR
Kevin: Bakit naman kasi ganun gupit ko nun bata!
Karen: Ang tangos naman ng ilong ni Kevin
Tito One: San nakuha ni Ido ang pictures?
Tito Egay: kinakabahan ako sa kasunod
Tita Edith: Bakit ang bait ni Ido bigla? Naku may binabalak na naman yan

Wednesday, January 21, 2009

Puyat

Nagpuyat din ba kayo para hintayin ang inaugural ni OBAMA? Kung nakatulog, ito ang transcript ng speech niya.

Naghihintay ang marami sa mga concrete na gagawin. Parang naging philosophical. Pero eto ang ibang highlights:

"Let it be told to the future world ... that in the depth of winter, when nothing but hope and virtue could survive... that the city and the country, alarmed at one common danger, came forth to meet [it]."

America. In the face of our common dangers, in this winter of our hardship, let us remember these timeless words. With hope and virtue, let us brave once more the icy currents, and endure what storms may come. Let it be said by our children's children that when we were tested, we refused to let this journey end, that we did not turn back, nor did we falter; and with eyes fixed on the horizon and God's grace upon us, we carried forth that great gift of freedom and delivered it safely to future generations.
http://edition.cnn.com/2009/POLITICS/01/20/obama.politics/index.html

Nanghuhula o Nang-aasar

Eto ang entry ni Rap sa PB Puzzle Quiz

ralph said...

HAIY!.. salamat naman po sinagot niyo na ang mga MALING SAGOT!. dahil ito na po ang TAMANG sagot.......

1. LOLA DITSE (mukang BADING SI DADDY I, TITA EYAN ayaw mag pakita ni nahihiya!. haha, SI LOLO DAD hello po!., SISTER VIC clown. TITO AYO parang kakagaling lang sa suntukan may black eye pa!, TITO JORGE bagay po sau siguro bagay den kay GAB no!. TITA EDITH ikaw ba yan. TITA ATE smile naman dyan. LOLA MAM kakatakot ^_^.. serious
2. ATE KAREN
3. LOLO DAD (TITA EDITH ganda po ng buhok niyo a!. viva santo nino!. joke! san po ba kayo nag pa ganyan papaganyan den ako ^_^
4. ATE KRIZA
5. TITA RHODA(ung mga extra: kuya carlo, MM, ate dianne) at ang kasayaw si NINONG IDO
6.KUYA KEVS(hahah ngiti, wig, at salamin plng alam na alam na.) DADDY!

Monday, January 19, 2009

Recycle Series #3 - Cno Cya?

Talagang Pamilya Banal ka? Puwes, bakit hindi mo subukang i-take ang PB Picture Quiz. Madali lang siyempre. Hulaan lamang ang tinanong sa bawat larawan sa ibaba.

Ang UNANG magkaroon ng perfect score of 7 points ay magkakamit ng SPECIAL PB BLOG PRIZE.

Rules:
- Ang deadline ng mga entries ay sa Saturday, Jan 23 ng 11:30 AM.
- Open ang contest sa PB na 7 years old and up.
- Ang UNANG ENTRY ay ang OFFICIAL ENTRY kaya mag-ingat
- Ilagay ang inyong entry sa comment section (na may number corresponding to the pic)
- Siyempre, ilagay ang pangalan. Pangit naman na si Anonymous ang manalo.
- ISA LANG ANG MANANALO
- Kung walang maka-perfect score, iyong may pinaka-mataas na score ang mananalo
- Kung may tie, ang MAUNANG nag-comment ng entry ang mananalo

(Sorry ang daming rules, kasi naman ang duduga...)
**********************************************

PB PIC QUIZ
1) Sino yung natatakpan ng pulang 'Question Mark'?



2) Sino ang nagupit na kasayaw ni Tito Jim?
3) Sino yung nabura sa bandang kanan?
4) Sino yung bumabaril?



5) Sino yung natago ang mukha (sa kaliwa) na nagsasayaw?

6) Sino ang dalawang ito?