Saturday, January 10, 2009

Sino nga ba si Charisse?

Medyo matagal ko na ring kinukulit si Charisse na magpadala ng mga pics nya. Matagal na natin siyang nakakasama tuwing Pasko, naisip ko na mas OK na lubusan natin siyang makikila. Para kung may tumututol ay magsalita na or forever hold your peace. hehe

Oo nga po pala, hindi po si Charisse iyong galing sa Cebu ha, baka nalimutan nyo. Taga-US po siya. Dati, tingin ko nahihiya siyang magpadala ng mga pics. Pero hindi pala - mga 50 pictures ang pinadala niya! hahaha.

So, eto na ang ilan sa mga pics ni Charisse from California at kung saan-saan, kasama rin ng mga paliwanag niya.
(Pero...ang PB Blog comments na pang-asar ay yung mga nakalihis)

Tara PB, samahan natin si Charisse sa kanyang pamamasyal sa US.

**********************************************************
Disneyland - Of course, hindi po mwawala ang pagpunta ko sa Disneyland. Actually, hindi ko po talaga nalibot the whole Disneyland sa may Disneyland park lang kami kasi meron pang isang part na merong madaming rides and yun yung sa may Adventure park but hindi na po kami pumasok dun. Pagdating ni Evot dito we will definitely go there.





(Wow! Ang ganda pala talaga! Ang ganda ng kasama nya ah!)

Donner Ski in Lake Tahoe- First time ko po na-try yung snowboarding dito and it was really fun. Kala ko nga po hindi me matuto kasi mahirap po talaga mag balance lalo na sa snow po db just using a board. Pero successful naman po siya and on my first time na mag snowboarding I even tried yung pinaka mataas na part dun sa mountain or yung difficult part. Sana si Evot matuto din nun. hehehe. Kasi gusto ko po talaga sya maging sports ko. hehe.



(Mukha namang madali yang matututunan ni Evot. Sanay yan sa mga biglang liko)

Golden Gate Bridge- Ito po ang symbol ng San Francisco kasi popular po itong bridge na ito. Second Longest Bridge sya sa United States and historical din sya.


(Nice pic. Pang-wallet!)

Walk of fame- nagulat po ako dahil nakita ko po ito sa eastwood din sa pinas mga filipino lang nga.



(Sa Pilipinas din meron nyan!!! Si Keanna Reeves.)

Yosemite Falls- Dito po ako ng celebrate ng bday ko last year. Nag-camping po kami dito and hiking. Akala ko nga po mahihimatay na ako sa pag hike kasi we don't have enough water and hindi din po kami nka-proper clothes. Yung hike po namin is 1400+ ft po taas sya kasi dun kami ngpunta sa Upper Yosemite Fall pra naman po challenging. But in the end after niyo po ma-reach ang top and makita yung falls really worth it po talaga dahil super ganda po talaga. Ito din po talaga yung place na madaming bears sya. Kaya meron mga warning din sa may mga cars not to store food inside the car kasi talaga pong pupuntahan sya ng bears pag nka-smell sila ng any food. Sayang nga po sana nakakita me ng bears.hehehe...



(wala akong masabi e, maganda talaga ang Yosemite falls)

Las Vegas, Nevada- Nag-stay me dyan sa Circus circus hotel. Then, from our hotel naglakad lang po kami para puntahan po yung mga ibang casino kasi every casino may mga shows sya. Like sa Bellagio yung dancing fountain. Pag bumalik po ako dito ksama ko na si Evot and for sure talagang magsasawa po sya sa mga magagandang casino po dito.


(Di ko ata nakuwento sa inyo, nung nakatira si Tito Ido sa California dati, aksidente ba naman silang magkita ni Par sa Las Vegas. Biruin nyo yon! Par balik daw kayo ulit! Sino kasama mo sa pic, Charisse?)
Muli, maraming salamat kay Charisse sa pagsama sa PB sa iyong pamamasyal. Sana nga maging ganap na ang iyong pagiging BANAL. (mukhang ma-pera ka pala talaga e! haha)

Welcome sa PB!

13 comments:

Anonymous said...

Thanks Tito Ido. Buti naman medyo maganda naman blog mo saken unti lang pang-asar.hahaha...Mukha po ytang hindi ng-react si evot bout sa sanay sya sa biglang liko. Pero meron lang po ako tanong. Actually, hindi ko 'to na-ask kay evot. Bakit po ba tinawag na PAMILYA BANAL po ang family niyo. Just curious lang po. Kasi kahit sino po makarinig nun iisipin na mga maka-diyos talaga po kayo. Gusto ko lang po malaman. Thanks po.

Anonymous said...

makadyos nman ang pamilya banal...hehehe...

Anonymous said...

Yung kasama ko po pala sa pics sa vegas eh yung tita ko po and one of the primary sponsors din sya.

Anonymous said...

sarap sarap mag snowboard! pero all of snow boarding is biglang liko-liko. pag di marunong magbiglang liko, di ka matututo. parang ski din, pero sobra bigat kasi e.

Anonymous said...

di mo naman nasagot tanong ni charisse e. bakit nga ba pamilya banal?

Anonymous said...

AHHH...MAKADIYOS TALAGA MGA PAMILYA BANAL... "MAPAPADIYOSkupo" KA SA KAKAIBANG KAKAYAHAN NG MYA MYEMBRO NG PAMILYA: (sa katalinuhan, kautakan, kasipagan kabibohan, pati sa bilis sa chismisan at kagulangan!)...

Pero sa pagkakaalala ko si Tito Boyet of Italy talaga ang nagpauso nyang term na yan from d FPJ movie...

Anonymous said...

Sa dami ng "Evot" na nakita ko sa description ni Charisse, parang gusto ko yata siyang regaluhan ng helmet.... joke:)

Anonymous said...

hahaha...cge regaluhan mo tita helen ng helmet kc baka mauntog ang ulo eh...hehehe...=)

Anonymous said...

Ah kya pala tinawag na Pamilya Banal kasi "MapapaDIYOS ko po" pala sa mga katangian nila and talento.hahaha...That make sense...hehehe...

Anonymous said...

Tita Helen meron na pong helmet binigay si Evot na para wala ng atrasan kasi mahal daw po bili nya eh kaya NO RETURN NO EXCHANGE.hahaha...

Anonymous said...

Hi, Charisse :), I guess bago ka pumunta sa US nung binigay ni Evot yung helmet sa yo, hehe. Anyway, good luck and best wishes sa inyong dalawa. God bless..

Anonymous said...

Opo Xmas gift nya pero nga po wala ng tanong tanong eh kung "will you marry me?" kasi daw automatic na "oo" na sagot ko. Kakaiba po talaga si Evot.hehehe. Thanks po and I know that You and Tito Jorge will be a good model for us for a successful marriage.

EGAY said...

Tita Helen, eh yung helmet mo na lang pamana mo k Cha, mukhang effective! he he he!

Ako rin pwede magpahiram, pero di pwede matagal, dapt balik agad!!!