Sa mga di nakakaalam, 25% ng "hits" sa ating blog ay mula sa ibang bansa. Nangunguna dito ang US (California, NY, Florida,Texas), Singapore, Canada at Switzerland. Sorry po, di ko rin kilala kung sino-sino sila.
Ang 5 pinakasikat na pahina (page) buong linggo:
5) Tito Jorge, Tita Helen & Ia Send (Postcards from Baguio)
4) Pang-Mayaman
3) I.T.A.L.Y.
2) Exclusive Expose - Teen GimikDec26
1) Wedding Invitation
2) Exclusive Expose - Teen GimikDec26
1) Wedding Invitation
**************************************
Kaya ang ating Special Blog this week ay tungkol sa "Wedding". Natabunan na marahil ang blog entry nung Jan 2. Baka rin di nyo nabasa na nananawagan si Evot sa mga nag-iipon sa pagreregalo.
Sabi niya, kung saka-sakali lang naman, sana : "wag ng mga rice cooker, plato, kutsara, baso, sandok, etc. kc mahihirapan pa kmi bitbitin un..."
Kung mamarapatin, tugunan po ninyo ang panawagan nina Charisse at Evot. Marami naman kasi talagang puwedeng ibang regalo. Iyon po sanang "madaling bitbitin". Sabihin nyo na lang sa comment ang inyong napupusuang pag-ipunan, para di na rin pare-pareho ang matanggap nila.
As always, laging handang tumulong ang PB blog sa inyo sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga idea: Tandaan: MADALI RAW BITBITIN!
1) Wag na po rice cooker, dahil mahirap talagang bitbitin iyon. Sabi nga ng Tide, dapat dun sa MAY KAKAPITAN. So bakit hindi na lang:
MAS MADALING BITBITIN.
2) Maski asan man si Evot dapat ay mapanatili niya ang pagka-Pilipino. Eto: Pinoy na Pinoy at higit sa lahat: MADALING BITBITIN. May sabitan pa.
3). Eto pa ang isa pang puwede niyong iregalo. Napakadaling bitbitin - maluwag sa bulsa, at kasya pa sa bulsa!
4) And of course, isa pang puwede nyong i-regalo....Ano pa e di ang BITBIT ng BAYAN. Now with Fun Pack.
Sana po ay nakatulong ang PB Blog sa inyong mga sumasakit na ang ulo kakaisip ng puwedeng regalo sa Wedding, na humirap pa dahil sa "MAHIRAP BITBITIN".
Happy Shopping!
3 comments:
akin na tabo. walang gayahan
actually, pde pareparehas ung mga gft nyo basta cash...hehehe... =)
pinamadaling bitbitin talaga ay cash kc kasyang kasya sa bulsa. or pde din honeymoon trip nmin ni cha, pde honeymoon trip sa phuket thailand, Amanpulo sa palawan or sa boracay or pdeng pde sa hawaii...hehehe =)
Hindi ko mapigilan tumawa sa blog ni tito ido. Nsa office pa naman me nung binabasa ko siya kaya yung mga officemates ko sinasabi insane na yta ko.Haha. Sabagay, yung sinabi nga naman ni evot eh "madaling bitbitin" kya yung mga suggestions mo po eh totoo din naman.haha. Kaya po sa WEDDING ni tito IDO yun din po ang iregalo niyo. Hahaha... Bale po sa wedding invitation namin may mga insert po kami ilalagay sa mga PRIMARY SPONSORS especially kay tito IDO kung ano ang minimum na GIFT. Hahaha...
Post a Comment